Chapter Eighteen

1K 35 0
                                    

Chapter Eighteen

"Do I look okay?" Tanong ko sa sarili ko nang pasadahan ko ng tingin ang kabuuan ko sa salamin.

"Okay ba to?" Hinipo ko pa ang puff sleeve ng dress ko.

Bumuntong hininga ako, okay na to! Umupo ako sa vanity ko at naglagay ng ligth make up lang.

Isang kahon lang ang mga damit na ibibigay ko sa mga bata sa Bahay Parola.

Binitbit ko na iyon sa baba at sinakbit na ang sling bag ko. Maya maya lang ay nandyan na ang van.

Umiinom ako ng tubig noong may kumatok sa pinto. Ang bilis ko tuloy nilapag iyong baso sa lababo at tinungo iyong pinto. Pagbukas ko, bumungad sa akin si Oliver.

"Nandyan na sila?"

"On the way na. Asan iyong box mo?"

Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok sya at makuha iyong box ko. Nang mailabas nya iyon ay chineck ko na mga plug sa bahay bago ako lumabas. I locked the house and walk beside Oliver.

Simpleng cargo shorts at plain maroon tshirt lang ang suot nya and he's just wearing a sandugo sandals. May suot na cap at nakaupo sa box.

Lihim akong napangiti nang matanto na kulay maroon din ang suot kong dress na may maliliit na designs ng bulaklak. Fool me if I believe that we looked like couple? Pagbigyan nyo na ako.

"Ayan na!" Tumayo sya nang mahagip na ang paparating na van.

Tinaas nya lang ang kamay nang huminto iyong sa tapat namin.

"Hey! Ang cute mo today." Bati ni Myra ng mabuksan ang pinto. I smiled at her.

"Pasok ka na, ako na maglalagay neto sa likod." Bahagya akong siniko ni Oliver.

Pumasok na ako sa loob at sa may sunod na row naupo. I saw Divina on the shotgun seats, kumaway sya sa akin.

"Gagu! Dahan dahan, Oliver!" Sigaw ni Carmela nang pabagsak na sinarado ni Oliver ang likod. "Malilintikan ako ni Lolo!"

"Halika na!"

Dinaanan namin si Chie sa kanila. Nagluto din kasi iyong mommy nya ng para sa mga bata.

They kept on talking while we're on the way to Laguna. Normal na daw na ginagawa ng pamilya ni Carmela ang magdonate ng mga gamit sa mga bahay ampunan.

"Ito na lang daw tulong ni Oliver sa atin." Inabutan ako ni Avril ng isang burger.

Dumaan sila sa drive thru para bumili ng meryenda—Courtusey of Oliver. Since sya ang walang idodonate.

"We're here!" Pumalakpak si Carmela nang maiparada na ang van.

Sumilip ako sa labas at nakitang ordinaryong bahay ampunan lang ito. Nakaabang na sa amin ang mga sisters. Dumiretso si Carmela doon para magbigay galang.

"Kasama ko po mga kaibigan ko, Mother Sylvia! May bibigay sila sa mga bata."

"Maraming salamat, Carmela."

Bumati kami sa mga madre na nandoon. Giniya nya kami papasok sa loob kung saan nagtitipon tipon na ang mga bata.

"Magandang araw po!" Sabay sabay nilang sabi.

Napangiti ako. Si Carmela ang kumausap sa mga bata habang nakatitig lang ako sa kanila. I notice Oliver went silent. Siniko ko sya.

"Okay ka lang, Sir?"

"Yeah." He let out a small smile.

Bilang witty na Carmela at Avril. May hinanda pa silang games. We all participated and laughed with the kids.

Someday We'll Know (Lausingco Series #9)Where stories live. Discover now