Chapter Twenty Six

1.1K 33 3
                                    

Chapter Twenty Six

I curtly nodded my head and gave us some space. I heard Oliver's sighed.

"Prim,"

"Let's continue reviewing, Sir."

Seem like he's not yet finished but I wanted to end our conversation here. I should really focus on my reviewer.

Hindi ako naging handa sa masuyo nyang paghila sa akin para yakapin ako. He placed his chin on my shoulder and softly caress my back.

"Feeling better?"

"Pinapalala mo lang e."

He chuckled and pulled away. Inayos nya ang buhok na humarang sa mukha ko and then he smiled.

Seconds when we heard a loud knock on the door.

"Oliverrrr!" Carmela shouted.

Pumikit si Oliver at umusal ng mahinang mura. Nasundan uli ang katok kaya nagmulat na sya.

"Huwag ka ngang eskandalosa!" I heard Divina.

"Geez, what are they doing here?" Tumayo si Oliver at binuksan ang pinto.

Muntik nang mawalan ng balanse iyong dalawa, mabuti nalang at mabilis silang nasalo ni Oliver. Carmela found my eye.

"Oh my god! Bakit kayo magkasama?" She even pointed at me. Napatayo tuloy ako.

"Kayo na?"

"Nagrereview kami." Pinitik ni Oliver ang noo ni Divina dahil sa tanong na iyon.

"Aww. I'm just asking."

"Anong ginagawa nyo dito?"

Pumayawang si Carmela.

"Ano munang meron sainyo?"

"Bakit ang tsismosa mo muna? Hindi pwedeng nagrereview kami pareho?"

"You're helping her? Eh magkaiba naman coverage ng exams nyo ha!" Nnliit ang mata ni Carmela. "May hindi kami alam?"

Tumawa si Divina at hinila papasok ng tuluyan si Carmela sa loob. I gave them a small smile.

"Naninibago talaga ako sa buhok mo." Ani Carmela at naupo sa sofa.

Oliver closed the door.

"Okay. Anong meron?"

"Ay! Oo nga pala! Tara sa Lucena, I heard na pasayahan ngayon doon!" Mabilis na tumayo si Carmela.

"Nagrereview kami."

"Balikan lang naman! Come on!"

"Bakit hindi nyo guluhin sina Myra?"

Hinarap ako ni Carmela at hinawakan sa braso.

"Halika na, Primrose. Sama ka sa amin! Ano ba naman iyong magskip ka ng isang beses sa pagrereview."

"We're not going."

"Hindi pa kayo pero binabawalan mo na si Primrose?" Umangat ang kilay ni Carmela.

"Ate. Ano ba yan."

Divina chuckled. "Halika na, Jc's on the way."

Napakamot si Oliver. Ngayon ko lang halos narealize na kahit anong sabihin or iutos ni Divina, hindi sya tumututul.

"Okay na iyang suot mo. Nandyan ba si Zild? Ipagpapaalam kita."

I grinned at her, dahil doon umirap sya.

"Naku. Ipagpapaalam lang kita."

"Ako nalang nagsasabi. Wait for me here."

Sinikop ko ang mga reviewer ko. Prenteng naupo uli si Carmela sa sofa. Lumabas na ako nang pumasok sa kwarto nya si Oliver.

Someday We'll Know (Lausingco Series #9)Where stories live. Discover now