Chapter Twelve

1.1K 38 0
                                    

Chapter Twelve

Wearing an off shoulder and a jeans with a red scarf on my hair, I think I'm ready to go. Kumatok si Kuya Zild sa kwarto.

"Eto na!"

Hinila ko ang sling bag ko at sinuot na ang rubber. Kumatok uli si Kuya kay binuksan ko na ang pinto.

"Halika na, tinatrapik din dito sa Lucena."

Sinarado ko na ang pinto ng kwarto at sumunod ba sa kanya.

"San si Mama?"

"Nasa sasakyan na."

I nodded and hold on his arms. Pupunta kami sa bahay kubo ngayon for lunch with the whole Lausingco. But before that, dadaan muna kami sa doctor.

Tumitig ako sa labas ng bintana habang bumibiyahe kami. Kapag naging pulis ako, dito pala ako magpapadestino, para di hassle.

Sinamahan ako ni Mam sa loob ng opisina ni Dra. Agapay.

"Good Morning po," bati nya. Nagbatian sila ni Mama.

"Late ba kami?"

"No, no. Just on time."

Tumango ito at bumaling sa akin.

"Kumusta?"

"Ayos naman po."

"Malaki na si Primrose."

"Pero dala dala nya pa din iyong takot sa malalaking manika."

Once again the doctor nodded her head. Sinimulan na nyang magtanong sa akin, I answered everything while Mama holds my hand.

"Balik ka nalang next month for our next session." Masuyong bilin nya. "And please, try to calm down whenever you see big dolls."

"I will try my best," I smiled at her.

Pagkatapos namin doon ay dumiretso na kami sa bahay kubo. Kita agad ang hilera ng mga sasakyan sa malawak na parking, iyong iba ay nasa labas na ng gate.

"Dito nalang ako magpark," ani Kuya Zild.

Inalalayan ko si Mama papasok sa loob ng bakuran. Nakita kami ng mga kasambahay.

Walang katapusang batian lang sa mga Tita at Tito ko pati sa mga walanghiya kong pinsan.

This is our every sembreak routine. Chill lang at sama sama dito sa bahay kubo ni Lola.

"How's our policewoman?" Si Kuya Ej na buhat si Baby ZK.

"Doing great, Kuya." I smiled. "Hi baby ZK namin. Laki laki na."

"Lumalaki na katawan mo." Kurot ni Shinubo sa braso ko.

"Aw!"

"Gago ka, Shin! Baka pumasa yan!" Tinulak ni Kuya si Shin palayo sa akin na tumatawa.

"Pakurot lang," inabot pa ako uli ni Shin.

Ngumuso ako sa kanya.

"Awat na, pinagkaguluhan nyo na naman si Prim." Singit ni Ate Sinag.

Bandang hapon, naghati na ang table. Para kina Mama at para sa amin. Naupo ako at binantayan si Zk sa pagkain nya habang naglalabas na sila ng mga alak.

"Prim, iinom ka?" Si Kuya JM.

"Pwede?" I search for Kuya's eyes.

"Tayo naman ang kasama, Zild." Ani Strawberry.

"Kahit hindi tayo ang kasama, umiinom iyan." Pinikit ni Kuya ng nguso ko. "Susumbong talaga kita kay Mama."

"Legal age na ako, tyaka nagtitira ako ng pang uwi."

Someday We'll Know (Lausingco Series #9)Where stories live. Discover now