[7] Puting Rosas Para Kay Clara

20 5 0
                                    


Saksi ang salamin sa kaniyang pagkawala.

Parang bula at
siya'y naglaho bigla.
Gulat ang lahat,
nang malaman ang may-sala.

"Ngunit pa'no?
Siya ay humihinga pa!"
daing ng mga tao-
labis na nagtataka.

Kapag landas niyo ay magtagpo,
ika'y mapapanganga.
Napakaraming nagbago,
mula nang siya'y mawala.

Dating labi na putla,
ngayo'y kasimpula na ng rosas.
Matigyawat niyang mukha,
kuminis; kung ano-ano ang dinanas.

Ilong niya'y tumangos;
nag-ala Amerikana.
Sasabay sa agos,
nagkakutis porselana.

Pati pananamit ay nag-iba,
hindi tulad ng nakasanayan.
Bakit kaya?
Sagot niya ay, "kailangan" .

Kailangan?

Oo, kailangan.

Iyon naman hindi ba?
Ang batayan nitong lipunan.
Mas matimbang ang itsura-
kaysa panloob na kabutihan.

Kung doon nga nakabase,
yaong pagtanggap,
pipiliting sumali,
at magpapanggap.

Saksi ang salamin sa kaniyang pagkawala.

Wala na si Clara,
-ang dating Clara.

Pinatay ko siya.

"Ngayon ako'y gumanda,
'di na pinandidirihan.
'Bat hindi pa rin masaya,
kahit tanggap na ng lipunan?"

Sambit ko sa harap ng salamin.

&&

TAKIPSILIM Where stories live. Discover now