27: Suicide Mission

19 1 0
                                    

[Aries' PoV]

Dalawang araw nang hindi umuuwi si Mr. Blevins at talaga nga namang sobrang mababaliw na kami kay miss Dein. Kung hindi sya iiyak, laging galit at magwawala. Hindi na din namin ma-contact yung number ni boss. Mukang may bakbakan syang pinuntahan at hindi man lang kami sinama.

'Wag lang syang magkakamali na iwan nang tuluyan si miss Dein, kung hindi, wala lang palang kwenta yung pagpipigil ko sa nararamdaman ko kay miss Dein.

Tsk.

"Yown! Gising na din—"

"Get the hell out." hindi ko pa natatapos ang morning greeting ko at ayan nanaman sya sa kasungitan nya. "Miss Dein, hindi pwedeng—"

"Ilang salita?"

"W-woah!" dali dali kong tinaas ang kamay ko at baka mamatay ako nang wala sa oras. Jusko. Pero hindi ako pwedeng magpatinag sa baril at gandang dala nya.

Lumapit ako at dahan dahang kinuha ang baril sa kanya. "Kalma lang miss Dein. Pagkatapos mong kumain, aalis agad ako. Okay?" halata namang wala syang pake sa mga sinasabi ko kaya tinulungan ko nalang sya na sumandal sa headboard ng kama.

Bumuntong hininga ako at umupo malapit sa kanya habang hawak hawak ko yung bowl ng lugaw. Sus. Simpleng bagay lang to, hindi kayang gawin ng girls??

"If it appears you know everything, I will end you myself." kulang nalang ay umiyak ako sa sobrang takot habang nanginginig at namamawis. Fuck. Bakit naman ganito makatingin si miss Dein?

"You get me, don't you? Aries?"

"Uh-hh y-yes oo miss Dein. Naiintindihan ko." shit, bakit naman ako nabubulol. "Okay then. Pwede ka nang umalis."

"Pero miss De—"

"What?" shit naman.

"Almusal?" pilit ang pagngiti ko habang inaabot ko pa yung bowl.

"Kumain na ako."

"Miss Dein naman, kung ayaw mo kumain, yung baby nalang pakainin mo. Huwag mo naman sanang idamay yung anak nyo ni boss." walang preno kong saad. Kung papatayin nya ako dahil sa pag-aalala ko sa anak nila, go. Tsk.

"Get out." malamyos nyang kinuha yung bowl sakin at pinatong sa kabilang nightstand.

Isa lang ang di nagbago sa kanya. Yung nga malulungkot nyang mata simula nung una namin syang nakita. Galit sa lahat, sa mundo. "Why.."

Imbes na tumalikod papuntang pinto, pinihit ko ang mga paa ko at lumapit sa kanya. "Tahan na..Pangako miss Dein, pababalikin ko si boss." sabi ko pa.

*sniffs sniffs*

"Won't believe you until I see you bring him home." hays. Oo nga, sabi ko nga hindi ka maniniwala. Hoo!

"Hmm medyo mahihirapan tayo dyan dahil ayoko pang mamatay pero matalino naman si boss, makikinig yon sakin." nakangiti ko pang sabi sa kanya pero nagsimula na syang kumain at hindi na ako pinansin.

Naglakad nalang ako palabas ng kwarto nilang mag-asawa at baka biglang sumulpot si bo-

"Tapos na?"

"Aba Heylin! Wala namang gulatan! Yung puso ko muntik nang lumabas at pumunta sayo" gulat kong saad habang himas himas sa dibdib ko. Shit man!

"Ha?" -_-

Ang slow nya naman. "Sabi ko oo."

"Ako nang bahala kay queen. Pinapatawag ka ni Rikie."

THE HEIRESS ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon