5: I'm Zane Blevins

55 7 0
                                    

[Kale's PoV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Kale's PoV]

Dali dali akong lumapit sa mga kasama ko nang ibaba ni boss yung tawag. "Anong sabi ni boss?" bungad sakin ni Heylin. Pinasok ko muna yung telepono sa bulsa ko tsaka sumagot.

"Wala." maikli kong sagot. Andito kameng lahat sa basement kung saan nakalatag lahat ng ginamit namin kanina. Hindi namin inakalang makakatakas si Dein sa puder ng Cantrells. We let our guards down. Kaya hindi namin alam ngayon kung paano hahanapin si Dein ngayon.

Umupo ako at napatingin sa kawalan. Kailangan naming makita si Dein sa lalong madaling panahon. She's our last piece of hope, also our strongest weapon. Most of all, she's the queen heiress. Karapatan nyang makuha ang lahat ng kanya.

"Base sa research na ginawa ko, buhay pa ang mag-asawang Allisons. Sa unang pagkakataon ay nagpakita sila sa publiko pagkatapos ang insidenteng pinakalat nila noon na patay na sila at pinaubaya ang kumpanya sa pangalawa sa pinakamalaking  shareholder sa kumpanya." saad ni Heylin habang iniikot-ikot yung swivel chair. Lahat kami ay biglang napalingon kay Heylin.

Nakikinig lang kami sa kanya habang may mga gulat at pagtataka na nakapinta sa mga muka namin.

"At ang pinaka nakakagulat sa lahat, may anak din sila. Apelyido ng asawa ni Darius ang ginamit nito hanggang sa lumaki kahit kasal silang dalawa. At mukang wala syang kahit anong alam sa underground world." dagdag pa nya dahilan para lalo kaming magtaka at magulat lahat sa mga naririnig

"They really did that for fucking Pete's sake?! They've got so many tricks. Kung ako anak nila, magpapakamatay nalang ako sa kagagahan ng magulang ko. Tsk." inis na saad ni Alexi na parang kahit anong oras ay sasabog sa sobrang badtrip.

"Buong akala natin ay patay na sila. Ngayong lumabas sila sa publiko, madali na tayong makakakilos. Ang buong akala siguro nila, konting kalabit nalang sa gatilyo ng baril ay mauubos na nila tayo." giit ko habang may galit na muling namumuo sa puso ko. Kinuha nila ang lahat sa amin, ang mga magulang namin, mga kapatid at lahat ng pagmamay-ari ng Hathaways na dapat ay nasa kamay namin ngayon.

Napa tingin ako kay Aria na as usual ay tahimik at nakikinig lang. Sya yung tipo ng tao na magsasalita lang kapag tinanong, kung minsan pa ay tatanguan o iilingan ka lang. Hindi katulad ni Alexi at Heylin na war freak ladies. More like a lady bosses.

"How about their line of business? Sa tingin mo mas mayaman sila sa kumpanya ni Ms. Dein?" tanong ko.

"Well," huminto saglit si Heylin tsaka may kinuhang printed documents mula lamesa tsaka isa isang inabot samin. "Kung ikukumpara, mas naunang naitayo ang company nila. Pero kahit ganon, kung mapapansin nyo ay kilala ang Cantrell Corporation na nangunguna at may pinakamabilis na income growth kaya masasabi kong magkalebel lang sila." patuloy nya habang isa isa naming binabasa ang mga papel na hawak namin.

THE HEIRESS ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon