13: The Blood Runs

42 5 0
                                    

[Rikie's PoV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Rikie's PoV]


Ipinarada ko agad yung kotse at hinayaan na yung dalawa na ayusin ito. Binuhat ko agad si Aria papasok ng mansyon at inilapag sa couch.


"Shit! Anong nangyari? Aria okay ka lang?" aligagang tanong ni Kale na muntik pang mabitawan yung basong hawak. Nanginginig pa habang pinupunasan yung pawis ni Aria. Punong puno na ng dugo ang buong damit nya.


"Andali."



Hindi na inantay pang magsalita ni Kale si Aria at nagdala agad ng first aid. "Tulungan na kita." tinanggal ko yung telang nakatali at hinayaan si Kale na linisin ito.


"Ugh.." daing ni Aria kaya dinahan dahan yung pagdikit ng bulak.


"Nasaan si Raebell?" tanong ko nang mapansing siya nalang ang mag-isang andito sa sala bukod sa iba pang bodyguards.


"Kasama sya kanina ni miss Dein. Baka natutulog na." ngayon ay kalmado na ang pananalita ni Kale. Tumango tango na lamang ako.


"Masakit pa ba?" tumango lang si Aria sa tanong ni Kale. "Mauna na ako. Maaga tayong magmi-meeting bukas." wika ko at naglakad na paalis. Hindi ko kayang tignan at panoorin yung mga ganon nilang eksena, naiinis ako.


Umakyat ako at sinubukang katukin yung pinto ni miss Dein. Nang wala akong marinig na kahit ano ay binuksan ko na ito. Nakahinga ako nang maluwag nang makita itong natutulog.


Sinara ko na ang pinto at hinayaan syang matulog nang mahimbing, she's got a big day ahead.


"Oh, Rikie. Bat ngayon ka lang?" lumingon ako sa nagsalita at tila sa isang iglap ay nawala lahat ng pagod ko. "Pasensya na, may ginawa lang." maikling kong tugon.


"Okay, kumain ka na ba?"


"Hindi pa."


"Tara, magluluto ako. Nagutom ako habang pinapatulog si Dein. Iyak padin nang iyak eh." Ngumiti ako sa suhestyon nya at sinabayan sya sa pagbaba.


"Omg! Anong nangyari sayong babae ka?!" bulyaw ni Raebell kay Aria na ngayon ay tapos nang magamot. Ngumiti lang ito bago sumagot, "Kagat lang ng langgam yan ate Raebell! Hahaha!"


Kumunot ang noo ni Raebell sa sinagot sa kanya ni Raebell.


"Hoy babae! Kung ayaw mong madagdagan yan ayusin mo sagot mo umiinit ulo ko."


"Ate naman eh! Natamaan po ng bala yan. Nabaril po."


"Huh?! At sino namang walangya ang gumawa non?"


"Andon na sa basement. Kakausapin namin sya bukas."


"Tara na, alalayan na kita umakyat sa kwarto mo." aya ni Kale kay Aria.


THE HEIRESS ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon