24: Odd Demon

23 2 0
                                    

[Narrator's PoV]

"The eye is here. Araw araw nya tayong pinapanood mula sa lugar na yan." paliwanag ni Heylin habang tinuturo sa E-map ang lokasyon ng ispiya ng Allisons.



"Kung maiiwan dito ang ibang soldiers at associates, makakaalis tayo. The emergency will happen at exactly 10am and at that point, tsaka tayo dadaan sa emergency exit para hindi maghinala si queen, at the same time, para hindi tayo makita ng ispiya." dagdag pa nya.


"We will part ways. Mauuna kayo to take down the rival associates. At kapag natapos nyo na sila, that will be the time na pupunta kami ni Dein sa meet up location." singit ni Zane.


Isang linggo nalang ay gagawin na ang planong pag-aambush ng mga Allisons at hindi natigil ang Hathaways at Blevins sa pagplano mula sa pagtakas sa dalawang nagdadalang tao hanggang sa pagtago ng totoong pangyayari kay Dein at Raebell.


"Boss, anong sasabihin natin tungkol sa biglaang pagpunta ng Beverly Hills?" tanong ni Aries.


Napaisip si Zane. Lahat ay halatang nahihirapan sa sitwasyon. Ang parehong grupo ng mga mafia ay iisa lang ang layunin.



Ang mapanatiling nakatago ang katotohanan sa tagapagmana at mapanatili ang kaligtasan ng dalawang babaeng nagdadalang tao.



"That certain day will be our trip to Beverly Hills. The false emergency will only serve as the collateral damage of the plan."



Napatango tango ang lahat habang napapawow sa plano ng boss. Hindi nila sukat akalain na makikilala at magiging boss nila ang isang legendary mafia na katulad ni Zane.



<Araw ng pagpunta sa Beverly Hills>



Lahat ay nakahanda nang umalis. Dala na ni Dein ang mga gamit at ang mga pagkaing pinaglilihian nya.


"Love? Nakita mo na ba yung itsura ng bahay ng parents ko?" tanong nya habang namimili ng damit na isusuot.


"Not yet." sagot ng asawa.



"Nacurious tuloy ako bigla. Ang sabi ni daddy, pinasabog daw yung bahay pagkatapos patayin yung ibang miyembro. So in short, yung itsura nya katulad ng nangyari sa mansyon namin." dagdag pa nito. Isinuot nya ang isang kulay puting daster na parang isang maternal dress.



"Maybe.." sagot ni Zane na kunwari ay nag iisip ng kung ano. Ngunit ang totoo ay nakatingin sa orasan habang inaantay ang pag alarm ng emergency



"Emergency, we're calling out everyone to please arrive at the lounge as soon as possible. Again, we're calling out everyone to please leave your houses now. There is a bombing threats received." narinig na nila ang kanina pang anunsyo na hinihintay ni Zane.


"Fuck!" arte nya. Dali dali nyang hinila ang asawa palabas ng bahay habang dala dala ang susi ng kotse.



"Love..si baby." tinamaan ng kaba si Dein habang dahan dahang tumatakas kasama ang asawa. Iniisip nya ang kalagayan ng anak sa tiyan.


THE HEIRESS ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon