HMS - 19

1.7K 45 3
                                    

The long wait is over. LOL! 6 days lang naman e. :) Hahaha! Sa mga nag-message sa akin na mag-update na ako, hmmm, ito na. :))

Chapter 19

Daniella

Ang liit talaga ng mundo. Sino bang mag-aakalang iyong Miguel na kinababaliwan ng mga kaklase ko noon ay ang Miguel na itinuturing kong kuya ngayon. Iyong Miguel na kapatid pala ng kaibigan ko at ng taong mahal ko noon.

Mahigit dalawang linggo na rin mula nang maka-uwi kami galing sa tatlong-araw na bakasyon sa Cavite. Iyong tatlong-araw na sobrang ikli pero akala ko'y kalahati ng buhay ko ang nandoon. Ang dami ng nangyari, ang dami kong nalaman. Pero sa rami ng mga mangyari ay iisa lang naman ang tumatatak sa isipan ko-iyon ay ang gabing sinabi ko na sa kanya ang napakatamis na salitang "OO".

Matapos kong sabihin iyon, isa pang napakahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin at ihinatid na ako sa kwarto ko. Iyong mga oras na iyon ay parang ayaw ko ng magpaalam, kulang na nga lang ata ay yayain ko na siyang tabihan ako sa pagtulog. Natatakot kasi na ako na sa paggising ko ay bumalik na sa dati ang lahat at ma-realize ko na hindi pala totoo ang lahat. Pero pagmulat ko nang umagang iyon ay napatunayan kong totoo nga dahil sa pagbukas ng mga mata ko ay si Nathan na ang unang nakita ko. Prenteng nakaupo ito sa isang sofa malapit sa kama ko at diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Simula nang araw na iyon ay naging maayos na ang kung anong meron sa amin. I'm his girlfriend and he's my boyfriend. Sinabi ko ito kay mama at papa dahil hindi ko naman kayang maglihim sa kanila. Isang katakot-takot na pagbabanta ang ibinigay ni papa kay Nathan. Pero nakakatuwa naman na pagkatapos ng bantang iyon ay sinabi rin ni papa na okay lang sa kanya na mag-boyfriend ako dahil nasa legal na taon na ako at alam ko na ang tama sa mali. Si Raychele naman ay halos buong araw ata na tumili dahil sa nalaman niya. At may sinabi pa siya na talaga namang tumatak sa akin at iyon ay ang baka naging paraan ang nalaman ko tungkol kay Drew para ma-realize ko lahat. Na malaman kong handa na akong maging masaya sa piling ng taong pipiliin ko at si Nathan iyon.

Maliban kay Chele at sa parents ko ay wala ng ibang nakakaalam sa relasyon namin. Nagdesisyon na muna akong hindi ilabas ito sa publiko lalo pa at ang tingin ng lahat ay si Nathan at Bella ang love team. Walang kaso sa akin kung sila ang pinagpapares. Hindi ko nga lang maiwasan ang hindi mainis sa tuwing lalapit si Belle sa Nathan ko. Feel na feel niya kasi.

Sa loon ng mahigit isang linggo na naming magka-relasyon ay halos hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong pinasaya, pinakilig. Naka-ilang date na rin kami. Pero palihim lang iyon. Gayon pa man, masaya parin ako. Masayang-masaya. Katulad ngayon, nakaupo lang ako sa isang monoblock malapit sa upuan ni direk pero kitang-kita ko ang matamis na ngiti ni Nathan na papalapit sa akin. Alam ko namang iyong ngiting iyon ay para sa akin.

"Good job, Nathan," puna ni direk kay Nathan nang makalapit na ito ng tuluyan sa amin.

"Inspired ka ba?" natatawang tanong ng isa sa mga writer ng commercial na shinu-shoot niya ngayon.

"Maybe," pilyong sagot niya at tsaka palihim na tumingin sa akin.

Kinilig naman ako, syempre. Hahaha! Pulang-pula na nga ata ang pisngi ko. Salamat nalang sa makapal na polbo ko at naitatago ko ang pag-blush ko.

"Ano Daniella, okay ba?" tanong ni direk sa akin.

Nag-thumbs-up ako.

"Wala nga si Sir Niel, may representative naman siya," biro pa niya sa akin.

Kung ang alam nila ay narito ako dahil binabantayan ko ang shooting, nagkakamali sila. Nandito lang naman ako dahil gusto kong panoorin ang taong mahal ko.

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon