HMS Part 2 - Chapter 9

1.5K 38 8
                                    

Dahil sa nag-request na mag-update nalang daw ako at huwag nalang iyong isang post nalang ang lahat ng parts hanggang epilogue, ito na magpopost na ako ng isa. Well, sinasabi ko naman na malapit ko ng matapos ang HMS. Sana magustuhan niyo ;)

-------------------------

Chapter 9

Nathan

"Woah! Hinay-hinay lang, Bro. We have all the night to drink, hindi mo kailangang magmadali."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Joon sa tabi ko.

Matapos ang usapan namin ni Ella kaninang umaga ay wala ng sumunod pang usapan do'n. Nawalan na ako ng lakas ng loob na habulin siya. Matapos kong magpaliwanag at wala lang siyang ibang sinabi kundi wala siyang pakealam, para akong nanghina.

Umuwi ako sa condo ko at tsaka nagmukmok. Mukha mang gawain ng isang hindi tunay lalaki pero umiyak pa ako. Nasasaktan ako na hindi na ako makakita ng kahit na isang bagay na magpapakitang mahal pa niya ako. Kasing tigas na siya ng bato. Naging bato na ang puso niya at mukhang matatagalan pa bago niya ako mapatawad o baka hindi na niya talaga ako mapapatawad.

Nang gumabi ay niyaya ko si Joon na mag-inuman. Ito nalang ata iyong kaya kong gawin ngayon. Hindi niya ako pinapayagang mapalapit sa kanya. Kapag malapit ako sa kanya, wala siyang ginawa kundi ang ipagtabuyan ako.

"Alam mo, hindi naman kasi ganoon kadali ang lahat, Nathan. Hindi ka niya mapapatawad agad kahit pa nakapagpaliwanag ka na." T-in-ap ni Joon ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. "Konting panahon ang iginugol mo noon para makuha mo siya. Ni hindi ka nga ata nag-effort masiyado para sa kanya. Nagkataon na nagustuhan ka rin niya noon kaya naging madali ang lahat sa iyo. Ngayon, wala na siyang nararamdaman. Wala na siyang pagmamahal sa iyo. Ngayon mo ipakita na mahal na mahal mo siya. Mag-effort ka. Iparamdam at ipakita mo na kahit pa hindi ka niya mahal, gagawin mo ang lahat para sa kanya."

Pumasok lahat sa ulo ko ang sinabi ni Joon. Maski naman hindi niya sabihin ay gagawin ko iyon. Ngayon nga lang, gusto kong maglasing dahil nalulungkot ako. Nasasaktan ako pero hindi ko kayang magalit sa kanya. Hindi ako galit kay Ella. Mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal na mahal ko siya.

****************************

Dahil sa kalasingan kagabi ay tinanghali tuloy ako ng gising. Sumasakit pa ang ulo ko dahil sa hang-over.

Napatingin ako sa gilid ng kama ko at patuloy pa rin ang pagtunog ng cellphone ko. May tumatawag. Pasalamat nalang ako dahil kung hindi sa tumatawag na ito ay baka tulog pa rin ako. May meeting pa naman kami sa KNLM mamaya.

Kinuha ko ang cellphone at kaagad na sinagot kahit hindi ko pa nakita kung sino ang nasa caller I.D. "Hello."

"Si Joon ito. Nasa KNLM na ako. Aga ko 'no!"

Napakunot-noo ako. Seriously, tumawag siya para lang sabihin na ang aga niya?! Gago talaga itong lalaking ito!

"Pakealam ko ba!"

Narinig ko siyang tumawa kaya mas lalo ata akong nainis sa kanya. "Alam ko naman na wala kang pakealam e. Pero makinig ka. Dahil maaga ako, naabutan ko si Ella sa building. Ito, isa siya sa mga writer ng KNLM. Hindi nga siya artista pero nagtratrabaho at parte pa rin siya ng company."

Parang nagising ang dugo ko nang marinig ko ang pangalan ni Ella. "Anong gusto mong iparating?"

"Wala naman. Gusto ko lang malaman mo na simula nang pumunta siya rito ay nakabuntot na sa kanya iyong si Miguel. At ito pa, narinig ko rin mula kay Ma'am Kaycee na sasamahan ni Ella si Miguel sa isang photoshoot ngayon dahil walang sasama. Busy kasi dahil pa rin sa merger."

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon