HMS Part 2 - Chapter 10

1.3K 38 3
                                    

May nag-message sa akin about sa scene sa previous chapter. Guys, 21 years old na si Ella at 24 naman si Nathan... hindi na sila teens kaya ang galaw nila ay pang-mature na.

------------------------

Chapter 10

Daniella

Pinutol ko ang halikan namin. Magkadikit ang mga noo namin habang hinahabol ang aming hininga. Hindi ko pa rin inaasahan ang paghalik niya sa akin at ang pagtugon ko ro'n. Na-hipnotismo na ako sa kanya. Hindi ko napigilan dahil ginusto ko.

"I love you," ulit niya.

Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya. "Umalis ka na," sabi ko pero bigla niya ang niyakap. Mariing napapapikit nalang ako dahil sa epekto ng mga yakap na ibinibigay niya sa akin.

"Umalis ka na!"

"Date tayo."

Napairap nalang ako sa sinabi niya. Kung makaasta siya parang okay kami ha? Ang kapal talaga ng mukha.

"Umalis ka nalang, Nathan. Please umalis ka na!"

Tumalikod ito at ang buong akala ko ay lalabas na siya ng opisina ko pero hindi. Pumunta lang siya sa pinto at ni-lock ito.

"Makikipag-date ka sa akin o hahalikan ulit kita?"

Kinuha ko ang kahit na anong bagay na malapit sa akin ballpen iyon. Ibinato ko sa kanya at umilag naman siya.

"Ano bang ipinunta mo rito. Nakakainis ka ha!" sabi ko.

Nagtatapang-tapangan ako pero kinabahan ako sa sinabi niya. Anong paandar naman kaya iyon? Magdedate o hahalikan?! Sapak gusto niya?!

"Mahal mo pa ako, Daniella."

"Hindi na!"

"Hindi ka magpapahalik kung hindi. Hindi ka sasagot sa mga halik ko kung hindi. Mahal mo ako. Mahal mo pa ako."

Mariin akong pumikit at tsaka umiling-iling. "Akala mo lang iyon. Actually, nagpapahalik din naman ako kay Miguel at-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa tunog ng malakas na pagsara ng pinto. Hindi ko siya tinitignan kaninang sinasabi ko iyon kaya hindi ko napansin na umalis na pala siya. Gusto kong tumawa ng malakas sa inakto niya. Joke lang naman iyon at masaya akong nag-joke ako ng ganoon. Nainis siya? Nagselos? Hahaha!

"Mahal na mahal kita, Nathan," sabi ko sa sarili ko. "Pero hindi iyon sapat para tanggapin kita ulit. Titignan ko kung hanggang saan ang kaya mo. Bibigyan kita ng isang chance. Binibigyan ko ang puso ko ng pagkakataong tanggapin ka ulit pero kailangan ko munang masigurado na ako lang talaga."

Para na siguro akong tanga na nagsasalita mag-isa. Kinuha ko ang cellphone ko at d-in-ial ang numero ni Nathan. Nakuha ko ang number niya kay Joon kaninang umaga.

"Hello. Who's this?"

"Mag-wo-walk out ka nalang? Wow ha! Bumalik ka rito, may sasabihin ako," sabi ko.

Pinatay niya ang tawag at wala pang limang minuto ay may pumasok na sa office ko. halatang tumakbo ito dahil hinihingal pa siya.

"Anong sasabihin mo?" tanong niya habang hinihingal pa rin.

"Nandoon iyong bag ko," sabi ko sabay turo sa upuan ko. "Kunin mo na."

Kumunot ang noo niya kaya naman napairap ako. Ang slow naman ng lalaking ito!

"Amg-de-date tayo 'di ba?" dagdag ko.

Sumilay ang ngiti sa mukha niya. Kailangan pa talagang sabihin para ma-gets. Kainis itong artista na ito. Ang gwapo pero slow!

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon