HMS Part 2 - Chapter 6

1.3K 41 8
                                    

May Pa-contest pala ako kasi anniversary ko na sa wattpad sa March 15. Yieeeh! Ang tagal ko na rito kasi 3 years na. ;) Sali kayo kung gusto niyo.

Chapter 6

Nathan

"Welcome back, kuya."

Isang matamlay na ngiti ang ibinigay ko sa kapatid kong si Rhian. Matapos ang anim na buwan ay nasa Korea na naman ako. Nandito na ako dala ang sakit, lungkot at pagsisisi. Dala ang bigat ng loob dahil sa hindi ko naayos na problema sa Pinas.

Ganito pala iyong feeling. Iyong pakiramdam na iniwan mo iyong babaeng mahal na mahal mo na galit sa iyo. Iyong pakiramdam na wala man lang akong nagawa para itama ang lahat.

"Okay ka lang kuya?" tanong ni Rhian sa akin.

"I'm fine."

"Kuya, you're here. Alam ko naman na iniisip mong iniwan mo siya. Pero hindi mo siya iniwan na wala kang gagawin. Nandito ka na, itama mo na. Kailangan mong malaman kung iyo ba talaga iyon o hindi."

Tumango nalang ako para sumang-ayon sa kapatid ko pero ang totoo, wala ako sa mood ngayon. Pagod na pagod ako sa biyahe. Isama pa ang bigat na nararamdaman ko ngayon.

"Nanganak na si Cheska, kuya. Pumunta iyong pamilya niya rito. Galit na galit ang papa niya. Kamuntik na ngang mag-wala rito pero dahil sinabi ni mama na malapit ka ng umuwi."

Umupo ako sa sofa at hinilot ang sintido ko.

"Pupuntahan mo ba siya kuya?" tanong ni Rhian at umupo sa tabi ko.

Umiling ako. "Hindi ko alam."

"Bakit hindi mo ba aayusin iyong tungkol sa inyo?"

Gusto kong ayusin ang lahat. Gusto kong matapos na ito. Pero natatakot ako. Oo, inaamin ko naman na may nangyari sa amin noon. Pero natatakot talaga akong malaman na akin iyon. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang maging magulang lalo pa't hindi ko naman na mahal si Cheska. Matagal na siyang wala sa puso ko. Ngayon, iisa lang ang isinisigaw ng puso ko at si Ella iyon. Si Daniella.

"Sasamahan kita kuya. Kung gusto mo siyang puntahan. Sasama ako. Dalawa tayong pupunta kapag handa ka ng kausapin siya."

Buong araw akong nakahiga sa kama ko. Nakatingin lang sa kisame hanggang sa gumabi. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan para itama ang lahat. Kasi paano ko itatama ang isang bagay na simula palang mali na. Dapat hindi ko tinakbuhan ang problemang ito. Dapat hinarap ko na si Cheska bago pa ako umalis.

Naalala ko na naman iyong huling beses na nakita ko siya. Alam ko naman na humabol siya sa concert ko. Kitang-kita ko siya pagpasok palang niya sa entrance ng mga VIP. Kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niya akong kausapin pero hindi ko siya pinagbigyan. Tanging pangalan niya nalang ang nabanggit ko bago ako pumasok sa back stage.

Katulad ng problema ko noon, tinakbuhan ko na naman ang problema ko ngayon. Hindi ko hinarap si Ella. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Hanggang kailan ko tatakbuhan ang mga problema ko?

-------------------------------------------

"Kamusta kayo?" tanong ko at tsaka sumandal sa head board ng kama ko.

"Okay naman kami. Tulog na si Natalie," Nakangiting sagot ni Cheska sa akin. "Wait lang, ipapakita ko siya sa iyo," dagdag pa nito.

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon