HMS Part 2 - Chapter 4

1.5K 46 4
                                    

Chapter 4

Daniella

"Hi."

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang pito. Para silang natuod sa kinatatayuan nila habang nakatingin lang sa akin. Ganoon na ba sila kagulat? Dapat nga handa na silang makita ako dahil nga nandito lang naman ako sa Pinas. Dapat ako iyong gulat. Mabuti nalang at magaling akong magtago ng emosyon at kontrolin ang sarili ko.

"W-wow! Long time no see," at last may nagsalita na rin sa kanila. At sino pa ba? It's Joon. Sa pitong ito, siya lang naman ang naging sobrang kaibigan ko.

"Oo nga," sabi ko.

Lumapit siya sa akin para bumeso at tinanggap ko naman ito. Niyakap ko pa siya ng kaunti at tsaka p-in-at ang balikat niya. Nang ilipat ko na ang tingin sa mga kasama niya, iisa lang ang direksiyon ng tingin nila at iyon ay kay Nathan na tahimik lang.

"Aware ka na ba sa merging? " tanong ni Jin sa akin.

Tumango ako. "Kalat na sa social media," sagot ko naman.

"So magkakatrabaho ka na namin?"

"Bakit, mag-a-apply ba kayong mga empleyado ko?" tanong ko.

Mukhang naguluhan sila sa sinabi ko kasi nagtinginan pa sila. Napatawa tuloy ako ng mahina dahilan para malipat sa akin ang tingin nilang lahat.

"Well, kung hindi niyo alam o kung nakalimutan niyo. Hindi na ako artista. Ka-ga-graduate ko lang sa college at mag-i-start palang kami ng business ni Raychele. So, kung sasabihin niyong magkakatrabaho na tayo, it will be in our business and not in show business."

Pinipilit kong hindi tumingin sa kinaroroonan ni Nathan para hindi mawala ang maayos na pakikipag-usap ko sa kanila. I can see him in my peripheral sight pero hindi ko nalang ito binibigyan ng atensyon. wala lang siya, Ella. Galit ka, hindi ba? Panindigan mo ang galit mo!

"So, can we join?" tanong ni Min.

"I'm sorry, paalis na kasi ako. Tumawag na iyong partner ko kaya kailangan ko ng umalis. Actually, wala naman dapat akong balak na mag-stay kaso kasi iyong take-out ko na cake, nahulog ko kanina kaya ito, kinakain ko nalang dito." Inayos ko ang gamit ko. Ipinasok ko na iyong mga inilabas ko kaninang mga gamit habang kumakain at tsaka isinabit na sa balikat ko ang maliit kong sling bag. "Natutuwa akong makita kayong muli. I'm happy na buo pa rin ang Galaxy."

Tinalikuran ko na sila pero bago pa ako makapaglakad ay tinawag na naman ako ni Joon. "Ella, can I have your number?" tanong nito sa akin.

"Mas maganda siguro kung huwag nalang, Joon. I'm glad we met again but I don't think matutuwa pa ako kapag nagkita at nag-usap pa tayong muli. Huli na ito. Like what I've said, hindi na ako artista, hindi niyo na ako kamundo. Wala ng rason para maging close pa."

"But-"

"You're here."

Naputol ang sasabihin ni Joon. Napatingin ako sa likod ko at nandoon si Miguel. Paano naman niya nalamang nandito ako? Naamoy niya ako? Galing a!

"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko.

"Tinawagan ko si Chele, nakausap ka raw niya kanina."

"Wala naman akong nasabihing lugar, e."

"GPS?"

I rolled my eyes. Yeah, right.

"Sorry, pala kanina," sabi niya.

Gusto kong magmura. Kasalanan ni Miguel ito e. Kung hindi niya ako ininis kanina e, 'di hindi ako lalabas sa kotse niya at hindi ako mapapadpad dito. Hindi ko makikita 'tong mga ito. Nako! Sasapakin ko na itong matandang ito!

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon