HMS Part 2 - Chapter 7

1.5K 42 14
                                    

Chapter 7

Daniella

"Wala akong pakealam! Alam mo, para ka lang iyang bulaklak na dala mo. Hindi ko kayang tanggapin at hindi ko kailangan!"

"El-"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag na huwag mo akong tatawaging Ella!"

Humakbang ito papalapit sa akin. Ihinaas ko ang kamay ko. Nakaharap sa kanya ang palad ko na para bang pinipigilan siya sa susunod na gagawin niya. "Huwag kang lalapit."

"Hindi na kita tatawagin sa pangalang iyon. Daniella na ang tawag ko sa iyo. Okay na ba? Please, kausapin mo naman ako."

Kitang-kita ko sa mata niya ang sinseridad, ang kagustuhan na makausap ako. Pero ano? Bato na puso ko sa kanya. Kung siguro kinausap niya lang ako bago siya umalis noon, baka nagawa ko pa siyang pakinggan. Pero anong ginawa niya? Nakita niya ako no'ng concert niya, sinabi pa niya ang pangalan ko pero anong ginawa niya? Hindi niya ako nilapitan, hindi niya ako hinarap, hindi siya nagpaliwanag. Para akong tangang iniwan nalang sa ere.

Umiwas ako ng tingin. Bumuntong hininga. "Umalis ka na, Nathan. Umalis ka na!"

"Daniella, plea-"

"Umalis ka na!" sigaw ko. Nakakuyom ang kamao ko at nanginginig ako. "Umalis ka nalang. Okay, okay lang sa akin na nandito ka sa Pilipinas. Kakalimutan ko na nag-krus ang mga landas nating dalawa. Kakalimutan ko, pero nagmamakaawa ako sa iyo. Umiwas ka nalang."

"Gusto ko lang magpaliwanag."

"Ayaw kong pakinggan ang mga paliwanag mo. Tinakbuhan mo na lahat no'n. Bakit mo pa babalikan?"

"Kasi gusto kong ayusin."

"Bakit?"

"Kasi gusto ko."

"May mga bagay na kapag nasira, hinahayaan nalang at hindi na inaayos. Ako iyong taong hindi na inaayos ang isang bagay na sira lalo pa't alam ko naman na hindi ko na iyon kailangan at kung kakailanganin ko man, maghahanap nalang ako ng bago."

Tinalikuran ko siya at tsaka kinuha ang bag sa upuan ko. Pinunas ko ang konting luhang lumabas mula sa mata ko at tsaka siya hinarap muli. "Kung ayaw mong umalis, ako nalang ang aalis."

Naglakad ako at sinadya ko pang banggain siya sa balikat. Akala ko hahayaan niya lang akong makalabas pero hindi pa ako nakakalapit sa pinto ay naramdaman ko na ang kamay niya sa siko ko. Hinila niya ako at ihinarap sa kanya. Sa lakas ng paghila niya ay sobrang lapit ko na sa kanya. Gamit ang dalawang palad niya ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Tumaas ang balahibo ko sa ginawa niya. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay ramdam na ramdam ko ang hininga niya. Sa sobrang gulat ay hindi ko na maigalaw ang mga paa ko. Ni hindi ko na nga maigalaw maski katawan ko.

"I miss you."

Bigla akong napapikit dahil sa sinabi niya. Iyong pagtama ng mainit na hininga niya sa mukha ko, hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Namamawis na naman ang kamay ko. Ang isang bagay na nangyayari lang kapag kasama ko siya.

"Ella, I miss you," ulit niya na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Inalis niya ang isang kamay niya sa mukha ko at gamit ang hinlalaki niya, pinunas niya ang mga luha sa mata ko. Gusto kong mawala! Kanina pa ako nagmumura sa isipan ko. Bakit ba hindi ko siya pinipigilan sa ginagawa niya? Bakit ba hinahayaan ko lang na gawin niya sa akin ito? Sabi ng utak ko, itulak ko siya papalayo at murahin hanggang sa magsawa siya sa mga mura ko at umalis. Pero bakit kumokontra ang puso ko.

"B-bakit k-ka uma-umalis?" nauutal at mahinang sabi ko.

Pinunas niya ulit ang luha ko. Oo, umiiyak ako. Umiyak na ako ng tuluyan.

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon