HMS Part 2 - Chapter 12

1.1K 37 5
                                    

Chapter 12

Daniella

Linggo ngayon at wala akong trabaho. Close ang MelTea kapag linggo at dahil tapos ko ng isulat ang ilang scene sa kwentong ni-revise namin ay wala akong gagawin ngayon.

Pabagsak akong humiga sa kama at tsaka ipinikit ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang paligid. Tahimik lang ang loob ng condo ko. Sa mga ganitong araw na wala akong ginagawa ay mas gusto ko talagang magkulong sa kwarto ko. Gusto ko lang matulog ng buong araw.

Napamulat ako ng mata nang biglang pumasok sa isipan ko si Nathan. Iyong unang pagkikita namin noon sa grocery. Wala akong kaalam-alam noon na iyong artistang nabangga ko ay siyang mamahalin ko ng ganito. Hindi ko lubos maisip na isang superstar ang mamahalin ko.

Sino ba naman ako? Ako lang naman si Daniella. Isang babaeng namumuhay lang dati sa anino ng mga magulang at sinubukang gumawa ng sariling pangalan pero nabigo. Dati sinisisi ko si Nathan dahil pinilit niya akong maging artista pero kalaunan, dahil sa nangyari sa akin ay sinisi ko na ang sarili ko. Wala naman kasing kasalanan si Nathan, inisip niya lang na mas makabubuti sa akin na makasama ang magulang ko sa iisang mundo-ang pag-a-artista pero ang desisyon ay nasa akin pa rin. Kung hindi ko pinili ang pag-a-artista baka normal lang ang naging takbo ng bukay ko at hindi ako nasaktan.

Ngayon, wala na akong pinagsisisihan lalo pa't malinaw na sa akin na iyong superstar na nakilala ko ang siyang taong mahal na mahal ko. Iyong bituin na bumaba mula sa langit na ang nagpapatibok ng puso ko.

Tumayo ako at tsaka pumunta sa sala. Binuksan ko ang TV at saktong ang palabas ay ang TV series na kinabibilangan nila Nathan at Belle ngayon. Sakto naman na iyong scene na sh-in-oot noong isang linggo ang pinapalabas. Nakatuan lang ang buong atensyon ko kay Nathan. Guwapo sa personal at maski sa TV. Siya iyong artista na hindi ka na mag-e-effort pang ayusan dahil kahit na anong gawin mo sa kanya ay gwapo na siya. Magaling siya na kahit na anong role ang ibigay mo ay kayang-kaya niyang gampanan. He's a perfect celebrity. He's really a SUPERSTAR.

Isa pa sa mga nagpapabilis ng tibok ng puso ko ay ang titig niya. Sa tuwing tinitignan niya ako, naiisip ko na ako lang iyong babaeng nakikita niya. Iyong mga tingin na puno ng pagmamahal.

Napasandal ako sa upuan dahil naisip ko na si Nathan lang ang naiisip ko.

Oo, handa na akong magmahal muli. Kaya ko ng harapin iyong sakit na pwedeng idulot ng pagmamahal muli.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napakapa ako sa bulsa ng shorts ko. Nakita ko ang numero ni Nathan kaya awtomatikong napangiti na naman ako. Huminga ako ng malalim bago ko pinindot ang answer button.

"Hello."

"Uso pa ba ang harana? Marahin ikaw ay nagtatak."

Napakunot ang noo ko. Baka napindot lang niya ang number ko habang nasa recording siya. "Hello... Hello... Nathan?"

"Daniella, patapusin mo muna ako. Panira diskarte!"

Napatawa ako ng mahina. Hindi pala aksidenteng napindot niya. Kinakantahan niya pala talaga ako.

"Okay. Pasensya."

"Tss."

"Ulitin mo na. Makikinig na ako."

I heard him clear his throat bago magsimulang kumanta ulit. "Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka. Sino ba 'to, mukhang gago. Nagkandarapa sa pagkanta. At nasisintunado sa kaba."

Bigla siyang tumigil kaya nagsalita na ako. "Tapos ka na?" tanong ko.

"Labas ka."

"Ha?"

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon