HMS - 07

1.7K 54 16
                                    

Author's Note: Asahan niyo na palagi akong may A/N sa umpisa ng mga chapters. Sa mga magpapa-dedicate, i-comment niyo lang ang username niyo sa part na DEDICATION nasa may bago chapter 6 iyon. Estimate ko, hanggang chapter 40 lang ang HMS katulad ng MPC. Sa mga hindi pa po bumibili ng My Prince is a Celebrity Book 1 of 2, available pa rin po siya sa lahat ng leading bookstores NATIONWIDE. Php 109.75 lang. Lilinawin ko na hanggang chapter 40 ang MPC at ang Book 1 of 2 ay hanggang Chapter 22 lang. Magiging available na rin ang Book 2 of 2 soon. ^_____^

God bless you all. Enjoy reading!!!

---------------------------------

Chapter 7

Daniella

"Tapatin mo nga ako, Ella."

Npatingin ako kay Raychele. Bigla kasing nagbago ang tono ng boses niya. Nasanay na ako na para siyang palaging nag-jo-joke pero bakit parang ang seryoso naman niya ata ngayon.

"Ano?" tanong ko.

"Narinig ko iyong usapan niyo ni Belle kahapon. Alam ko'ng hindi mo alam na naroon ako pero sinundan kita. Narinig ko ang lahat."

*******************************

"I can smell rivalry. Gusto ko lang sabihing isa akong VEGA. I can't fly as high as my parents. But, I can fly higher than you. Nagsisimula palang ako."

"Ang tapang mo'ng magsalita ha," sabi niya at tsaka tinaasan ako ng isang kilay.

"Hindi ako matapang, Belle. Ang isa sa mga ayaw ko kasi sa iyo, iyang ugali mo. Wala akong ginagawa sa iyo pero kung makapag-salita kaparang palaging gusto mo nagbabangayan tayo."

"Umalis ka nalang. Hindi ka bagay dito."

Bigla akong napatingin kay Belle sa sinabi niya. Ano raw? Nakabuka ang bibig ko na para bang may sasabihin pero hindi ako makaisip ni isang salitang sasabihin ko sa kanya. Masiyado akong nagulat sa sinabi niya. HINDI AKO BAGAY? Oo, alam ko! Alam ko!

"Ayaw mo naman dito 'di ba? Ano bang pinapatunayan mo at bigla ka nalang pumasok sa industriya? Gusto mong mapansin? Gusto mong sumikat? Ano?!"

"Wala! Alam mo, nananalaytay na ba sa dugo mo ang insecurities, kaya pati hininga mo iyon na ang ibinubuga."

"I don't care, Ella. I don't effin' care. If you really want here, then pagbibigyan kita. Pero ito ang tatandaan mo, hindi ka magtatagal dito. Hindi ito ang mundo mo!"

**************************

"Ano naman?" sabi ko at tsaka kunwaring may hinahalungkat sa bag ko.

"Ano na ulit iyong dahilan mo bakit mo tinanggap iyong role?"

"Ayaw kong nag-aaway si mama at papa at isa pa, tama iyong sinabi ni Nathan na kailangan kong pumasok sa mundo ng mga magulang ko para makasama ko sila."

"Talaga?"

"Yes."

"Is this all about your parents o may iba pa? Ella, I know you. Kilalang-kilala na kita. Mula sa nunal mo sa ulo hanggang paa."

"Raychele."

"Nathan, right?"

"What?"

"It's Nathan."

"No!"

"Daniella!"

"Kung ano man iyang pinupunto mo, Chele. Stop it!"

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon