HMS Part 2 - Chapter 1

1.6K 41 6
                                    

This Chapter is dedicated to lovegreen0214. Grabe, sobrang na-touch ako sa message niya sa akin. I love you!

------------------------------

He's My Superstar
Part 2

~MY PRINCE IS A CELEBRITY SEQUEL~

----------------------------------

EmpressCath

[Cathryn Kay Mendoza]

Chapter 1

Daniella

Ang buhay ko noon parang isang orasang sira ang baterya. Bigla-bigla nalang itong titigil na hindi namamalayan hanggang sa malaman mo nalang na ang tagal-tagal mo na. Mabagal ang oras para sa akin no'n. Iyon bang kapag hinihintay ko sa hapag kainan sila mama ay inuugat na ako. Ang tagal kasi nilang umuwi galing sa trabaho nila. Iyon ang isang dahilan kung bakit ko inayawan ang mundo nila. Ayokong hintayin ako. Ayokong magsawa ang mga nag-aantay sa akin. Ayaw kong iwan ako. Ayaw kong maging artista, itinatak ko na sa isipan ko iyon. Ayaw kong maging katulad nila. Ayaw ko ng atensyon.

Pero kinain ko ata lahat ng iyon nang bigla siyang dumating sa buhay ko. Naging mabagal ulit ang oras nang una ko siyang makita. Isang simpleng banggaan na siyang naglapit sa mundo ko at sa mundo niya. Ang buong akala ko isa lang iyong banggaan ng katawan pero mali pala. Hindi lang kami kundi pati puso namin ay nagkabanggaan din.

Doon naging mabilis ang oras. Sa sobrang bilis, hindi ko na namalayang minamahal ko na ang mundo niya. Mundong katulad ng mundo ng parents ko. Iyong mundong ayaw ko. Nang dahil sa kanya, ang bilis kong tinanggap ang bagong mundong pinasok ko. Sobrang bilis hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili kong minamahal ko na rin siya. Minamahal ko na ang isang bituing bumaba mula sa tuktok ng tagumpay na narating niya.

"Ang lalim ng iniisip a. Mas malalim pa sa speech ng cum laude," biro sa akin ni Raychele.

"Baliw!"

"OMG! I can't believe na graduate na tayo sa college. May ipagmamayabang na akong diploma. Nakakatuwa!"

"Tara na nga!" hinila ko si Raychele papunta sa kinaroroonan nila mama pero hindi pa ako nakakalayo ay in-ambush na kaming dalawa ni Raychele. Sino pa nga ba.

"Miss Daniella, ano pong pakiramdam na natapos po niyo ang degree niyo?" tanong ng isang reporter.

Hindi ko na ito sinagot pa. Syempre ang sagot naman doon ay isang malaking yehey.

Patuloy lang sila sa pagkuha ng litrato sa akin at pagtatanong pero wala ako ni isang sinasagot sa mga ro'n. Mas gusto ko pang sagutin iyong last exam namin no'ng nakaraang buwan kaysa sa mga tanong nila.

"Babalik na po ba kayo sa pag-a-artista?"

I smiled bitterly. Babalik? Bakit pa? Isa't kalahating taon na rin mula nang umalis ako sa pag-a-artista. Bumalik ako sa pag-aaral at ngayon ay tapos na ako. Bumalik ako sa normal na buhay. Iniwan ko ang mundo na pinasok ko noon. Iniwan ko ang lahat.

"I just want to spend the day and celebrate with my parents. Please, huwag niyo na munang akong guluhin. You've been quite for almost two years, pwede bang maging tahimik nalang kayo for the rest of my life! I'm not an artist now, wala na kayong mapapala sa akin!"

Hinawakan ako ni Chele sa braso para pigilan. "Umalis nalang po kayo."

Wala namang nagawa ang mga press kundi umalis. Totoo namang wala silang mapapala sa akin. Sinong tanga ang magkaka-interes sa balitang tungkol sa akin-isang artistang pasikat palang pero umayaw na sa piniling propesyon. Propesyon nga ba? Ang pag-aartista para sa akin ay parang lusis. Magiging masaya ka sa liwanag na dala nito pero sandali lang iyon. Unti-unti rin itong mawawala at mamamatay.

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon