HMS - 06

1.7K 57 11
                                    

Author's Note: Pang-bawi ko sa sobrang iksing update ko kanina. Sana magustuhan niyo ulit. Sa mga gustong magpadedicate, hanapin niyo lang iyong part na DEDICATION dito sa story at comment niyo ang Username niyo.

ENJOY!!!

------------------------------------

Chapter 6

Daniella

"Cut!"

Mariing napapikit ako at bumuga ng hangin. Naka-ilang ulit na ba kami? Kanina pa ako rinding-rindi sa salitang 'CUT'.

"Daniella."

Napatingin ako kay papa. Siya ang director ng movie na shinu-shoot ngayon.

"Sorry," sabi ko.

Tumango lang si papa na halata namang naiinis na. Kung naririndi ako sa 'CUT' siguro rinding-rindi na rin sila sa pagsabi ko ng 'SORRY'.

"Okay, break na muna. Daniella, isaulo mo iyang script mo. Okay?!"

Tumango ako at tsaka lumapit kay mama. I hugged her.

"Bakit gano'n si papa?" sumbong ko.

Hinaplos ni mama ang likod ko at tsaka ako niyakap ng mas mahigpit. "Hindi mo naman masisi ang papa mo. Sige na, pasok ka na sa tent at mag-memorize ka na ng mga linya mo."

Pumunta ako sa tent na nka-assigned sa akin at tsaka kinuha ang script ko. Binasa ko ito at tsaka isinaulo ang mga parte ko.

Ang movie ay umiikot kay Nathan o si Steve sa kwento. Isa siyang koreanong naghahanap ng destiny niya. Napadpad siya sa Pilipinas at doon niya nakilala si Princess o si Belle. Ang akala ni Steve ay natapos na ang paghahanap niya kasi si Princess na ang itinuturing niyang destiny niya. Pero papasok ako sa eksena. Si Sophia. Isang transferee at bagong lipat sa lugar. Simpleng babae at naninibago palang sa paligid niya. And I accidentally met Steve. Ito na iyong twist na kung saan ay mahuhulog ang loob ni Steve sa akin at maguguluhan siya kung sino ba sa amin ni Princess ang destiny niya.

Sa ngayon, ang shinu-shoot palang namin ay ang pagpasok ko sa school. Nasa unang part palang ako ng role ko at hindi kami makapagpatuloy kasi nga palagi akong nagkakamali. Simpleng, 'Good morning, classmates' lang naman ang sasabihin ko pero kanina pa ako nauutal Kung hindi nauutal, walang lumalabas na boses o kaya naman naiihi ako. Galit na nga si papa at alam kong maski ang mga ibang taong nasa-set.

"Ughhh!" Pabagsak akong umupo sa upuan at tsaka yumuko.

Bakit ko nga ba kasi tinanggap ang role na ito? Nang nasa likod ako ng sofa at naririnig ang bangayan nila papa at mama, halos mangiyak na ako. Ayaw na ayaw kong nag-aaway sila nang dahil lang sa trabaho. Alam kong nagpadalos-dalos ako pero biglang pumasok sa akin iyong sinabi ni Nathan na 'Huwag ka naman sanang gumawa ng harang sa pagitan mo at ng mga tao sa paligid mo. Baka sa huli, hindi na mawala ang pagitan na iyon at malalayo ka nalang sa kanila.' Feeling ko hindi ako makakatulong sa kanila kung hindi ko papasukin ang mundo nila. At tama siya, kung hindi ako susunod, baka nga malayo ako ng tuluyan sa kinala. Alam kong sa part ko, isang katangahan ang desisyon ko pero sa pamilya ko, isa iyong magandang desisyon.

"Nakasimangot ka riyan?"

Napaangat ako ng tingin at nakita si Nathan na nasa entrance ng tent ko.

"You're late," sabi ko.

"Hindi a. Sabi sa akin kagabi pumunta ako ng 10am dito kasi uunahin daw iyong part mo. Pero ano itong narinig ko na wala pang natatapos?"

Inirapan ko siya. "Nagkakamali ako."

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon