HMS Part 2 - Chapter 2

1.6K 42 1
                                    

Busy po ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan. Sinusubukan ko pong mag-update kahit na sobrang busy. Sana lang maintindihan ako. :(

-----------------

Chapter 2

Daniella

"Ma!" napataas ang boses ko dahil sa inis. Matapos kong mabasa ang balita kagabi ay napagdesisyonan kong kaagad pumunta sa bahay ngayon para kumpermahin ito. At totoo nga. Nagpirmahan na sila ng president ng Uni Ent.

"Ella, huwag na huwag mong sisigawan ang mama mo," suway sa akin ni papa.

Umiling ako. "Bakit hindi ko alam ito? Bakit bigla nalang nangyari ito? Bakit?"

"Ella, stop shouting!" napataas na rin ng boses si papa. Hinawakan ni mama ang braso ni papa para pigilan ito.

"Tama na. Huwag na kayong magsigawan," mahinahong sabi ni mama.

"Hindi e. Ella, bakit ba bigla ka nalang nag-react sa desisyon namin? This project is not only my decision. Desisyon ito ng lahat. At isa pa, wala ka na dapat pakealam sa company 'di ba? As far as I remember tinalikuran mo na ang mundo namin ng mama mo!"

Umalis si papa. Napuno na siya sa akin. Pabagsak na umupo ko sa sofa at itinakip ang mga palad ko sa mukha ko. Kailan ko ba ulit makikita iyong papa ko noon? Kailan ba babalik iyong dating turing niya sa akin. Mula ng umalis ako sa pag-a-artista, nawalan na ng suporta si papa sa akin. I mean, hindi na niya ako sinasabihan ng mga salitang 'kaya mo iyan', 'nandito lang kami ng mama mo', 'basta gusto mo, gusto ko na rin'. Para bang puro nalang 'bahala ka'. Maski naman walang sinasabi si papa ay ramdam ko naman. Na-disappoint sila sa akin.

Sunod-sunod ang naging problema nang umalis ako. Hindi ko alam kung ilang milyon ang nawala sa kumpanya para lang mabayaran ang mga damages na nagawa ko. Ang dami kong kontratang hindi itinuloy. Nakasuhan din ako at ang kumpanya ng breach of contracts. Sunod-sunod na isyu hanggang sa nawala nalang ito. Ang laki ng kasalanan ko.

"Anak."

Agad kong niyakap si mama ng sobrang higpit. "Hindi pa po ba sapat iyong halos dalawang taon ng pagsisisi at paghingi ng tawad?" tanong ko na halos hindi na marinig dahil sa pag-iyak ko.

"Pinatawad ka na ng papa mo, Ella."

"He hates m-"

"No, Ella. Mahal ka ng papa mo."

"Pero bakit hindi pa rin niya ako trinatrato ng gaya dati? I'm his princess before but now, I'm nobody."

"Hindi totoo 'yan. Nasaktan lang ang papa mo."

"Saan?"

"Nasasaktan siya kasi nasasaktan ka. Ang buong akala niya noon ay isang magandang desisyon na ipasok ka sa mundo namin. Pero mali pala kami, kami ang naglapit sa iyo sa lungkot at sakit."

Umiling-iling ako. "No, 'Ma. Desisyon ko iyon."

"Kami ang kumausap kay Nathan na kumbinsihin ka."

Unalingawngaw sa tenga ko ang sinabi ni mama. Ibig-sabihin no'n ay napag-utusan lang siya? Hindi na naman totoo iyong pagkumbinsi niya? Hindi siya?

"Huwag na huwag mong iisiping hindi ka namin mahal. Nasaktan ka at nasaktan din kami. Nasaktan kami dahil nasaktan ang prinsesa namin."

MPC Book 2: He's My Superstar [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon