Seven

3.1K 101 5
                                    

(Note: Unedited. Errors ahead. Missing my readers do much! How are you guys?)





Seven









HINDI MAIPINTA ANG mukha ni Xhyraine habang naka-upo kasama ang mga ilang architects at engineers sa loob ng meeting room sa oras na iyon.

That stupid cousin of mine! He cannot just leave me like this!

"Ms. Dela Vega?" tawag ng isang engineer sa kaniya. "Okay ka lang po ba? We can call Mr. Cordova to come here —"

"I'm fine," she cut the engineer off. "Just continue what you're talking about."

"Ma'am," tawag ni Agathon sa kaniya habang nakangiti. Halata namang pilit iyon. "Baka may gusto kang itanong tungkol sa —"

"Why are you so rude towards me ba?" tanong niya. Pero agad din siyang nagsisi na tinanong niya pa iyon sa harap ng mga ka-trabaho nito.

Stupid, Xhy!

"H-ho?" Nagsalubong ang makakapal na kilay nito. "Rude pa ako, ma'am? Tinatanong na nga kita para sa mga concerns mo tungkol sa project."

"Oh, baka naman you're napipilitan lang kasi ayaw mong mapahiya sa mga ka-trabaho mo?"

Just shut up, self!

"Ano? Ma'am, napahiya na ako kanina noong inaway mo ako —"

"Ako pa ang umaway sa'yo?" She raised her voice a bit, feeling irritated already. "Ikaw ang nag-act like a stupid child kanina!"

"Ikaw ang nagsimula, Ma'am," lukot na ang mukha na wika ni Agathon. Ramdam ni Xhyraine ang paninitig ng mga kasama nila sa office sa kanilang dalawa ng binata. "Akala ko pa naman malinaw na ang usapan natin kagabi."

"Well, Architect Belarius, I didn't agree with you." She raised her brow.

"Kaya nandito ka at kinukulit na naman ako?"

"At kailan pa kita kinulit!?"

"Uh..." Bleu, the President and CEO of Alpha Azul, cleared her throat to get their attention. "Can we not argue in the middle of the meeting? Architect Belarius..."

"I'm sorry, Ma'am," labag sa loob na wika ni Agathon bago umayos ng upo.

She crossed her arms over her chest. She cannot believe she's so attracted with this rude and sarcastic guy. Ang dami-dami na nitong nasabing hindi magaganda sa kaniya, but she's still there, trying her best to get his full attention.

"Xhyraine," malambing ang boses na tawag ni Bleu sa kaniya. "Are you okay?"

"Argh! Don't mind me na lang!" Padarag siyang tumayo at nag-walkout. Hiyang-hiya na si Xhyraine sa kaniyang ginagawa. She needs to think.

Grabe! Pakiramdam niya ay sobrang immature nilang dalawa ng binata. Kung magbatuhan sila ng mga salita, para silang mga bubwit na nag-aasaran sa gilid ng kalsada.

She face palmed. Asaan na ba kasi si Ephraim at bigla na lang siyang iniwan matapos ang asaran nila ni Agathon? Nakakahiya tuloy sa mga ka-trabaho nito.

Imbes na magsayang ng oras para hanapin ang pinsan ay mas pinili na lang ni Xhyraine na bumalik sa kaniyang hotel room para tawagan si Aris. Next week na ang dating ng mga team ng pagta-trabahuan niyang clothing brand at kailangan na niyang maghanda. Iyon na lang ang pagtutuunan niya ng atensyon kaysa kay Agathon na pinagsasabihan siyang stalker nito.

Asa naman siya!

"Sa wakas! Tumawag ka na rin," bungad ni Aris nang tawagan niya ito. "Akala ko tataguan mo na rin ako after ng ka-shunga-han mo riyan sa Ilocos!"

A Taste of Her Sweet Mistake (Mistake Series #4)Where stories live. Discover now