Twenty Three

2.8K 82 11
                                    

(Note: Unedited chapter. Errors ahead.)





Twenty Three







SA PRIVATE HOSPITAL ng kaniyang ama nagtungo sila Xhyraine at Agathon. Tuwing hapon naman siya dumadalaw roon pero ito ang unang beses na naabutan niya ang kaniyang Tito Lector sa loob ng silid ng kaniyang ama. Gising na ito pero hindi pa rin puwedeng lumabas dahil sa panghihina.

Xhyraine stopped on her track as she listened to what her father and his friend talking about.

"...some businessmen told me that the dela Vega Group still had a chance to survive. As long as the merging of the two companies will happen," sabi ng Tito Lector niya. "That's the only choice we have, Rester. Hindi lang ang kumpanya ang maililigtas natin dito. Kung hindi pati ang pangalan mo at ng mga anak mo."

Hinintay ni Xhyraine na sumagot ang kaniyang ama. Nakita niya ang malalim na gatla sa noo nito, na para bang sobrang lalim ng iniisip. She already knew that her dad will agree to that idea. Pero umaasa siya na may naiisip pa rin itong ibang paraan.

"I'll just trust you with all of this, Lector," her daddy said with a hoarse voice. "Kung puwede lang na pakiusapan mo si Xhyraine tungkol dito..."

Xhyraine felt Agathon's hand touching her shoulder. Tinignan niya ang binata at saka mariing umiling. Hinding-hindi siya papayag sa gusto ng ama niya. Kahit na ano pa ang sabihin nito, hindi niya papayagang ang gusto ng ama ang masusunod.

If it's not Agathon she'll be marrying, then might as stay single forever.

"Pero Rester, the influence of Xhyraine's name is also huge," Tito Lector said. "The public knows her relationship with Architect Belarius from Alpha Suarez. Another scandal for your family and for Xhyraine might brought up if we'll announce a sudden marriage with my son."

"We can just fake the marriage, Lector. Hindi naman kailangang ikasal ang dalawa. Ipapahiram mo lang naman ang pangalan niyo sa kumpanya ko."

"But not with Xhyraine, Rester. Delikado. Alam mong may sariling reputasyon ang anak mo."

Nagkatinginan sila ni Agathon. Mukhang pareho silang pumapanig sa sinabi ng Tito Lector niya. Talagang magkakaroon ng panibagong eskandalo sa kaniya at sa pamilya nila kapag bigla na lang sabihin sa publiko na ikakasal siya sa isang Savirino. Her relationship with Agathon is too public that almost everyone on the internet know it.

"Si Faye..." her daddy mumbled.

Xhyraine's eyes widened. Papayag kaya si Faye? Dapat ba niyang kausapin ang kapatid niya?

"I'll talk to her later," wika ng Tito Lector niya. "Isasama ko na rin si Lucas para mapag-usapan na ang mga puwedeng gawin."

Xhyraine pulled Agathon's hand and entered the room. Parehong natigilan ang dalawang matatanda nang pumasok sila ni Agathon. She greeted her dad and kissed him in his cheek before facing her Tito Lector.

"I heard about your plan with the company, Tito," sabi niya. "Maybe I can talk to Faye about it na lang?"

"Nako, hija. Sigurado ka bang kakausapin mo lang ang kapatid mo at hindi aawayin... Gaya ng ginawa mo sa apo ng mga Lopez?"

Nakagat ni Xhyraine ang ibabang labi. Alanganin siyang tumingin sa ama niya na naka-kunot ang noo. Hindi niya pinagsabi kahit kanino ang tungkol sa pakikipagkita kay Judianna Lopez dahil baka magalit lang ang daddy niya. But her Tito Lector just spilled her dirty little secret.

"Nakipagkita ka sa apo ng mga Lopez?" istriktong tanong ni Agathon. Salubong ang mga makakapal nitong kilay na parang hindi nagustuhan ang nalaman.

A Taste of Her Sweet Mistake (Mistake Series #4)Where stories live. Discover now