Nineteen

2.7K 91 11
                                    

(Note: Unedited chapter. Errors ahead. Happy reading!)




Nineteen






"WHERE'S DADDY?" Iyon ang bungad na tanong ni Xhyraine nang makita niya si Faye na nasa harapan ng emergency room ng hospital.

She's still wearing her semi-formal maroon dress and heels when she and Agathon drove towards the hospital. Pinakiusapan na rin niya sila Aris na ihatid muna ang Mommy niya pabalik sa mansiyon at huwag sabihin kung ano ang nangyari sa kaniyang Daddy. Her visitors were accommodated by the band members and some of her newly hired staffs in her boutique. Hiyang-hiya siya sa biglaang pag-alis but her Daddy's more important than the party.

"Xhyraine..." Tumayo si Faye mula sa pagkakaupo sa waiting area ng ER saka siya nilapitan. "Nasa loob pa si Dad. Hindi ko alam kung ano'ng lagay niya kasi wala pang lumalabas."

"What happened to him?"

"Inatake raw sa puso habang nasa meeting sila. Nandito si Mr. Savirino kanina. Lumabas lang kasi may tinawagan."

Xhyraine took a sit on one of the chairs on the waiting area. Umupo sa tabi niya si Faye habang umuklo naman si Agathon para bumulong sa kaniya.

"Bibili lang ako ng tubig. Dito ka lang." Masuyong hinalikan ni Agathon ang kaniyang noo bago umalis para bumili ng tubig.

Xhyraine sighed heavily while looking at the ER's door. This was the first time that her Dad got an heart attack. As far as she can remember, wala naman itong sakit sa puso o sa iba pang parte ng katawan nito. But he's already aging. Siguro ay naka-develope na ito ng sakit dahil sa edad nito.

"Xhyraine..." malumanay na tawag ni Faye sa kaniya. "Narinig ko mula kay Mr. Savirino na... 'Yong mga investors at stakeholders daw ng dela Vega group... Nag-pull out daw sila ng shares and investments nila sa kumpanya."

Nanlaki ang mga mata ni Xhyraine. She looked at her sister with a shocked expression. Why the hell did it happened!?

"Are you sure about that?" halos pabulong na tanong niya sa sobrang gulat. "Faye, sigurado ka ba sa narinig mo?"

Magsasalita pa sana si Faye nang pareho nilang namataan ang papalapit na si Mr. Savirino sa kanila. His face was stoic but Xhyraine can sense the anger building up inside him.

Mabilis siyang tumayo para magmano rito. Simpleng tango naman ang sinagot nito.

"What happened, Tito?" tanong niya dahil gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang nangyari. "Are you with Dad kanina?"

"Nasa meeting din ako," sagot nito. "It was a meeting for the whole board of directors but I was confused since it's not Rester who called for it. Nalaman namin kung bakit halos nagdemanda ng urgent approval of meeting ang mga members ng board ay dahil gusto na nilang alisin ang mga shares nila sa buong kumpanya. And that was over 75% of the company's investment."

"What!?" Halos sabay na tanong nila ni Faye.

Impossible! Wala man siyang alam sa dela Vega group, alam niyang mas malaki ang hawak ng kaniyang ama sa mga shares niyon. Imposibleng mas malaki ang mawawala kung may aalis mang investors doon.

"Tito, are you sure?" diin ni Xhyraine sa matanda. "That's impossible! Dad's the owner of the company, so how come na mas mataas ang maaalis kapag mag-pull out ang mga investors at stakeholders?"

"Iyan din ang ipinagtataka ko." Namulsa ito at tumingin sa pinto ng ER. "I guess someone or a group of people stole some of the shares..."

Muling bumalik sa pagkakaupo si Xhyraine at napahilot sa kaniyang sintido. Ilang dekada na ang kaniyang ama sa industriyang iyon. He already knows how it works. The people, the money, the process, and many more. Kaya imposible naman kung may nakapagloko pa rito sa edad nito sa business industry.

A Taste of Her Sweet Mistake (Mistake Series #4)Where stories live. Discover now