Three

5K 112 1
                                    

(Note: Unedited.)




Three






"SUPERMODEL DELA VEGA was seen with a man last night. The OP said that he saw them kissing in a bar along Quezon city. He also spotted Dela Vega's cousin, Ephraim Maivan Cordova and some of her friends."

Xhyraine pouted as she continued polishing her nails.

"Heto pa! Ang daming kumakalat na mga pictures mo sa labas ng isang apartment sa... Saan 'to? Wait... Oh, my gosh! Malapit 'to sa Alpha Suarez, 'di ba? Girl! Ano'ng ginagawa mo d'on?"

She lazily landed her stares at Aris who's busy scanning her iPod. Tinignan siya nito at nagtaas ng kilay. Inirapan niya ang dalaga at muling itinuon ang atensyon sa mga kuko.

"Ano, bruha ka? Hindi ka man lang magpapaliwanag sa'kin?"

"I invoke my rights against self incrimination," tamad na sagot niya.

Malakas siyang tumawa nang paulit-ulit siyang minura ng kaniyang manager. Namumula ang mukha nito sa inis habang siya naman ay tawa pa rin nang tawa.

"Siraulo ka! Model ka na may issue! Hindi abogado o kriminal!" Singhal nito saka lumapit sa kaniya para ihampas ang iPod na hawak.

"Don't slap that! Mahal 'yan!"

"I don't care! Kaya kong bumili ng bago. Ang gusto ko, eh, maihampas ko 'to sa'yo para malaman mong seryoso ako rito," mataray na sagot ni Aris.

Sinimangutan niya ang dalaga bago umayos ng upo.

Nasa loob siya ng condominium unit ng kaniyang manager dahil pinatawag siya nito para raw sa urgent meeting. She already have a hunch about what they would be talking about while driving on her way. Kaya hinanda na niya ang sarili dahil alam niyang magagalit si Aris sa kaniya.

And she really is mad.

Aris has been her manager since she started her modelling career. She's very efficient and strict when it comes to her na gusto naman niya dahil opposite sila ng ugali. She's very carefree and wild. Kung walang hahawak sa kaniyang mga schedule at iba pang gawain ay baka wala siya sa kaniyang kinalalagyan ngayon.

Modelling was her biggest dream since she was a child. Madali lang naman para sa kaniya ang makapasok sa kahit na anong agency na gusto niya. Xhyraine has the body and the looks that every aspiring models wished to have. Plus points din ang pagiging Dela Vega dahil madali lang siyang nakilala ng mga scouts at iba pang stars sa modelling world.

"For the first time after how many years, nagka-issue ka rin!" Sigaw ni Aris.

"And you're happy with that?" Ngumisi siya.

"Mukha ba akong happy? Bwisit ka!"

She laughed once again. Xhyraine tried to hug Aris but the latter dodged her arms. She kept on chuckling as she stared at her manager's irritated face.

"Bakit ka ba galit?"

"Ewan ko sa'yo, Xhy!" Stressed na umirap ito sa hangin. "Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak mo at nagpa-halik ka sa hindi mo naman kilala. At sa bar pa talaga. It's a public place kaya sana nag-ingat ka kung lalandi ka naman pala!"

"I'm drunk last night, okay? I don't know what I'm doing."

Liar! Sigaw ng isang bahagi ng utak niya. Malinaw na malinaw sa kaniya kung ano ang ginawa niya kagabi sa Kupid's Arrow.

The drinking party.

The dare.

The kiss.

Alam niya lahat ng mga iyon.

A Taste of Her Sweet Mistake (Mistake Series #4)Where stories live. Discover now