Twenty Four

2.8K 88 14
                                    

(Note: unedited. errors ahead.)





Twenty Four








"HINDI KA PA ba bababa?"

Hindi sumagot si Xhyraine sa tanong ni Agathon at nanatili lang na nakadungaw sa labas ng bintana. Nasa ikalawang palapag sila ng bahay ng binata, sa kuwarto mismo nito kung saan sila matutulog ngayong gabi.

Nakipagtalo pa nga kanina ang binata sa kaniya nang sabihin niya rito na sa ibang kuwarto siya matutulog. Agathon insisted that it's okay kung ang iniisip niya ang ang mga magulang nito. Pero nahihiya pa rin naman siya. She's a girl and Agathon's just her boyfriend. Hindi pa sila mag-asawa para manatili na silang dalawa sa iisang kuwarto. Pasalamat ang binata ang kumampi rito ang Ina. Wala na raw kasing ibang kuwarto para sa kaniya.

Xhyraine wanted to suggest na sa sala na lang matulog si Agathon pero parang ang bastos naman niyon. Anak ito ng may-ari ng bahay. Bakit ito ang matutulog sa mahabang upuan na gawa sa kawayan?

Pasalamat talaga siya, eh.

"Xhy..." rinig niyang tawag ni Agathon. Hindi siya gumalaw ang nanatili sa harap ng bintana. "Halika na sa baba. Wala na 'yong manok. Nasa lutuan na."

Pinukol niya ng matalim na tingin ang binata. "You don't have to mention that!"

"Oh, kalma, misis ko."

Naiinis niyang inirapan si Agathon. Humalakhak ito saka nanlalambing na niyakap ang kaniyang bewang. Pareho na silang nakapagpalit ng damit. She borrowed Agathon's Mom's daster and Agathon kept on teasing her a while back. Kanina pa siya tinatawag ng binata na "Misis ko" dahil sa kaniyang suot. Imbes na kiligin ay naiinis lang siya dahil sa pagngisi nito habang sinasabi iyon.

"Alam mo... Ikaw... Nakakairita ka na." Gritting her teeth, Xhyraine reached out for Agathon's ear and pulled it harshly. Napahiyaw ng malakas ang binata sa kaniyang ginawa. "Stop teasing me na kasi!"

"Hindi na nga!" nakangiwing sagot nito.

Binitawan na ni Xhyraine ang tenga ng binata. She suddenly felt guilty when she saw his ears turning red. Tumingkayad siya para halikan ang tenga ng binata. She stopped when she heard Agathon moaned. Nagtataka niya itong tinignan.

"What's wrong?"

"You're turning me on," Agathon growled.

"I'm just kissing you, silly." Siya naman ngayon ang natawa.

Bumitaw na siya sa yakap ng binata saka humarap sa salamin na nakasabit sa dingding. Xhyraine checked on her face before facing Agathon. Niyaya na niya itong bumaba dahil naririnig na niya ang pagtawag ng mga matatanda sa ibaba.

Descending down the stairs, Xhyraine can hear Agathon's parents whispering about something. Namataan niya ang mag-asawa sa sala ng bahay na seryosong nag-uusap. Salubong ang mga kilay ng dalawa at mukhang nagtatalo pa. Pero nang mamataan sila ng mga ito ay agad ding umayos ang mga itsura.

Something's wrong, Xhyraine thought. Pero mukhang wala namang balak magsabi ang mga ito dahil unang-una, she's not part of the family. Pangalawa, baka problemang mag-asawa lang iyon.

She sighed. I hope they're not arguing about me.

"Nariyan na pala kayo," masuyong wika ng Ina ng binata saka ngumiti sa kanila. "Handa na ang gabihan. Sa kusina na tayo."

Tahimik lang siyang tumango at nginitian pabalik ang matanda. Naglakad na ang mga ito na sinundan naman nilang mag-nobyo. Agathon tested his arm around her shoulder while they were walking towards the kitchen slash dining area.

A Taste of Her Sweet Mistake (Mistake Series #4)Where stories live. Discover now