Four

4.3K 115 9
                                    

(Note: Unedited. Errors ahead.)







Four









"MUKHANG MAY GUSTONG bumusangot ng isang buong taon, ah..." Nangingising tumabi ng upo si Ephraim kay Xhyraine.

"Shut up," mataray na sagot niya. "Just go at the pool area and celebrate with dad. Tutal... close naman na ata kayo, 'di ba?"

Malakas na natawa ang pinsan sa kaniyang tinuran. Iritado niya itong pinanood, tahimik na nagdarasal na sana mabulunan ito ng sariling laway.

Ugh! Kairita!

Kaninang hapon pa siya naiinis kay Ephraim. Kung bakit naman kasi ito pumayag na isama siya nito sa Ilocos. She thought he will also protest against her dad dad's decision. Kilala niya ang pinsan. Kahit kinakatakutan pa nito ang taong nasa harapan nito, kung alam nitong mali ang gusto nitong ipagawa, tatanggi at tatango si Ephraim dito.

But to her surprise, he said yes the moment her dad explained to him what he wanted to do for her after New Year.

I thought we're allies. Fake!

"Ayusin mo na 'yang mukha mo, supermodel. Baka ganiyan ka na buong taon. Bahala ka..." He kept on smirking.

Inirapan niya ang binata saka nilayasan ito mag-isa sa solar ng mansiyon. Siya na ang nagtungo sa pool area kung saan may nagaganap na New Year's eve celebration.

It was just a small and private party for their family. Nandoon din ang isa pa niyang pinsan na si Zaccheo na hindi niya gaanong close. Kausap nito ang kaniyang daddy. Mukhang nagpapaalam na itong umalis.

Kadarating lang nila ni Ephy, he's already going na. Xhyraine shrugged her shoulders. Kung sabagay ay si Ephraim lang naman ang gustong manatili roon dahil sa kaniyang daddy.

Inilibot ni Xhyraine ang tingin sa paligid. She was looking for her mommy. Alam niyang nandoon lang ito dahil hindi nito palalampasin ang pagsalubong ng bagong taon.

Her eyes landed to a pale yet beautiful woman sitting on a wheelchair. Nakasuot ito ng kulay rosas na bestida at ang itim na buhok ay naka-pusod pataas. She was smiling a little but her blue eyes were twinkling with joy.

Wala sa sariling napangiti si Xhyraine habang pinagmamasdan ang ina. They were so look-alike. But her features were sharper than her mom's. Siguro ay dahil medyo may edad na ito. Pero hindi pa rin mawawala ang kagandahan nitong taglay.

She wanted to come near her mommy but stopped herself when she saw someone approaching her mom. Naningkit ang mga mata ni Xhyraine. Kilalang-kilala niya ang babaeng lumapit sa kaniyang ina.

Why is she here?

"Xhyraine, hija!"

Xhyraine snapped out when her dad called her. Matalim pa rin ang kaniyang tingin. Napakunot ang noo ng kaniyang ama saka sinundan ang kaniyang tinitignan. She heard him sighed.

"Halika."

Mainit ang ulo na nagmartsa siya palapit sa ama. Nakataas ang kaniyang kilay habang matalim na tinititigan ang kaniyang daddy.

"Kailan pa siya dumating?" she asked.

"Kanina lang," preskong sagot ng kaniyang daddy.

Her eyes squinted. "You invited her?" Of course he did! "You really wanna ruin my new year, daddy!"

"That's not it, Xhyraine, please." Madilim ang mukha na tinignan siya ng ama. "This was already our tradition every year. Bakit ka ba hindi nasasanay sa ate Faye mo?"

A Taste of Her Sweet Mistake (Mistake Series #4)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant