Fifteen

3.1K 117 7
                                    

(Note: Unedited chapter. Enjoy!)

Fifteen



ABOT-LANGIT ANG kabang nararamdaman ni Xhyraine habang hinihintay si Agathon na matapos kausapin ang kaniyang Daddy. She was sweating cold because of nervousness. Pinagmamasdan lang niya ang dalawa.

Does daddy know Agathon? Nakilala ba niya?

She then recalled the stolen pictures of her in front of Agathon's apartment months ago. Hindi niya maalala kung nakuha ba nang buo ang mukha ni Agathon but some people knew him immediately. Naglapag pa nga ang ilan ng dating pictures ng binata noong nagmo-model pa lang ito. Kaya siguro ay malinaw nga ang kuha sa mukha nito.

But looking at her Daddy's expression while talking to her boyfriend, mukhang wala naman itong violent reaction na ipinapakita. Ibig sabihin lang nun ay hindi nito namukhaan ang binata.

Thank God! Mabuti na lang talaga at hindi nito nakikilala ang binata. Baka bigla na lang siyang atakihin sa puso kapag nag-eskandalo ito sa reception ng kaniyang pinsan. I'm still not that prepared to introduce my boyfriend to Dad. It's not the right time yet.

"Andiyan na po pala ang anak niyo, Mr. dela Vega."

Xhyraine straitened her back when Agathon mentioned her to her dad. Lumingon naman sa gawi niya ang ama. She flashed a sweet smile like she didn't felt any nervousness awhile ago.

"D-daddy!" She gracefully made her way towards the two man. "What are you doing here? Nasa kabilang banda 'yong table niyo nila Mom, right?"

"Parang pinagbabawalan mo akong magawi rito, Xhyraine?" Tumikwas ang kilay ng ama.

Xhyraine shook her head, still showing her dad her sweet smile. "Of course not! I'm just nagtataka kung bakit ka nandito."

"Pft!"

Tumikhim si Agathon saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. Palihim niya itong pinanlakihan ng mga mata dahil baka mahalata sila ng Daddy niya. Huwag naman sanang magising ang pilyong ugali ng binata.

"Hinanap lang kita kasi magpapaalam na ako. Mauuna na kami ng Mommy mo sa rest house ng tita Marie mo," wika ng kaniyang Daddy.

"Oh, sure! Sure! You can go na po. Malapit naman nang matapos ang reception. I'll just go there later to visit Mom."

Ilang sandali pa siyang tinignan ng ama bago dahan-dahang tumango. "Alright. We'll wait for you there." Tumingin ito kay Agathon na nasa likuran. "Thank you, Architect Belarius."

"No problem, Sir." nakangiting sagot ng binata.

Her Dad chuckled a little, making Xhyraine's brows meet. "I didn't know you're close with my daughter. Anyway, ikaw na ang bahala rito kapag naisipan ulit nitong bumisita rito sa Ilocos."

"P-po?" Kumurap nang ilang ulit ang binata saka tumingin sa kaniya.

Xhyraine was mirroring her boyfriend's reaction. Pareho lang silang nagtataka and at the same time, nagulat sa pagtrato ng matanda sa binata. She knows her dad very much. Alam niyang ayaw nito na may lalaking malapit sa kaniya na hindi muna dumaraan dito. Maliban na lang kung ang ipapakilala niya ay pasok sa standards nito.

And she knew Agathon was way too far from her father's standards.

Kaya kagulat-gulat na ayos lang dito na malapit siya sa binata. Ngumingiti nga rin ang kaniyang daddy habang kausap ang kaniyang boyfriend. He even laughed!

Lord, is this the sign that i've been waiting?

"Dad—"

"Paging Ms. Xhyraine Zoe dela Vega. Please come up on the stage as per the groom's request." Umalingawngaw ang boses na iyon sa mga speaker na naroon.

A Taste of Her Sweet Mistake (Mistake Series #4)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz