Fourteen

3.1K 102 2
                                    

(Note: Unedited chapter. Errors ahead.)




Fourteen





MAANG NA PINAGMAMASDAN ni Xhyraine si Agathon na nakikipagtawanan sa mga iba pa nilang kasama sa mini bar. Halos kadarating lang nilang dalawa ng binata roon at saktong naabutan nila sila Andrew na kasama si Ephraim at Yasha. But the couple left with Bleu after her mini drama with Ephraim. Masyado kasing strikto si Engr. Suarez at gustong pabalikin sa trabaho si Agathon. Mabuti na lang at napilit niya ang pinsan na ilayo ang fiancé nito roon.

"Xhy naman! Gumalaw ka nga. Para kang estatwa na naka-upo," natatawang sita ni Andrew sa kaniya.

She rolled her eyes and grabbed the nachos on their table. Maingay pa rin na nakikipagtawanan si Agathon kila Luci kaya hindi pa siya napapansin nito.

"How come you guys are close with Agathon na?" she asked curiously.

Hindi niya talaga inaasahan na kilala na ng mga kaibigan niya ang binata. She dragged him there to introduce Agathon with the guys. Hindi niya alam na siya ang magugulat na kilala na pala ng mga ito si Agathon.

"Paanong hindi namin makikilala si Liam? You introduce him to us as your boyfriend, right?" Ngumisi si Andrew.

Wow! Liam! I never heard someone calling him that.

Xhyraine picked up a nachos and threw it on Andrew's face. Natatawang umilag ang binata habang siya ay pinapatay na niya ito ng kaniyang tingin.

Stupid! Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit nakilala ng mga ito si Agathon. They mentioned awhile ago that they met Agathon in a bar while they're bar hopping. Gusto lang niyang malaman kung paano naging close agad ang binata sa mga ito.

"I'm asking seriously here," she said with a matter-of-fact tone.

"Seryoso nga! Sino ba naman ang hindi makakakilala sa boyfriend ng nag-iisang Xhyraine Zoe dela Vega?" Mas lumawak ang ngisi ni Andrew.

"Agree!" singit ni Luci na nakikinig na pala sa usapan nila. "Ay may isa pa lang hindi nakakakilala..."

Xhyraine widened her eyes on them. But the two just laughed loudly.  Nakuha tuloy ng mga ito ang atensyon nila Von at Agathon na nag-uusap.

"Ano 'yan?" tanong ni Von.

"Pinag-uusapan namin 'yong taong outdated tungkol sa relationship status ni Xhyraine," ani Andrew.

"Who?" Usyuserong sumingit sa usapan si Lucas. Minsan tahimik naman ito. Pero minsan, lumalabas din ang pagiging pilyo. "It was Zaccheo who's always outdated here."

Padarag na tumayo si Zaccheo sa upuan nito. Nakatingin ito kay Lucas na walang emosyon ang mukha. Natawa siya dahil parang na-offend ito sa sinabi ng kaibigan.

"Dude." Zaccheo clicked his tongue before leaving them.

"Hindi siya." Tumawa si Luci sabay baling kay Agathon na parang na-out of place bigla dahil sa usapan nila. "Liam, ano'ng masasabi mo sa latest article na nilabas ng Vogue?"

Nanlaki ang mga mata ni Xhyraine. She wanted to stand up and pull Luci's red hair but she stopped herself. My gosh! Bakit kailangang i-bring up ng binata ang tungkol sa article na iyon?

"For sure nabasa mo, 'di ba?" Andrew eyed her while asking Agathon. "What can you say?"

"H-ha?" Kumurap nang ilang ulit ang binata saka bumaling sa kaniya. Nagkatinginan sila saglit bago muling tinignan ang mga kasama. "Hindi ko alam! Ano ba'ng meron doon?"

She secretly stretched her foot to kick Andrew under the table. Natawa lang ito na siyang ipinagtaka ng ilan nilang mga kasama.

"Si Drix 'yong nasa article. Kasama niya si Xhyraine. Kilala mo si Drix, right?" tanong ni Andrew.

A Taste of Her Sweet Mistake (Mistake Series #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora