Two

6.7K 156 38
                                    

(Note: Unedited chapter. Errors ahead. Enjoy!)



Two




NAGPALIPAT-LIPAT ANG tingin ni Xhyraine sa kaniyang pinsan at sa estranghero sa kaniyang tabi. Tumahimik ang mga tao sa kanilang table na parang hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

"B-brother-in-law?" nauutal na sambit ng binata habang pinipilit na minumulat ang mga singkit na mata.

"What the fuck are you doing here, Architect?"

"Wait!" Lumapit siya kay Ephraim. "You know him? Really?"

"Of course I know him!" Frustrated na sinuklay ng pinsan ang buhok nito. "He's Yasha's bestfriend. Architect  Agathon Liam Belarius."

Lumipad ang tingin ni Xhyraine sa binata. Dahil mas maliwanag ang pwesto nila ay mas nakita niya nang tuluyan ang buong mukha nito.

He was really a living God. His jaw was clenched. His cheeks were red. His lips were red and wet. Matangos din ang ilong nito na nababagay sa singkit nitong mga mata. His brows were thick, making his chinky eyes deeper and sexier.

Xhyraine's throat went dry when his eyes landed on hers. Napalunok siya. Ang lagkit ng tingin nito sa kaniya na parang malulusaw siya.

Shit! That was the first time someone stared at her like that.

"Shuta..." Umungol ito saka humawak sa ulo. "Ang sakit ng ulo ko! Asaan na ba ako?"

"U-uhm..." Itinaas ni Xhyraine ang kamay para sana hawakan ang braso ng binata nang maunahan siya ni Ephraim.

"Sino ang mga kasama mong nandito?" Madilim ang mukha na tanong ni Ephraim. "Si Yasha?"

"Yasha?" Parang naguguluhan na tanong nito pabalik. "Walang Yasha, Brother-in-law... Nahihilo ako!"

"Maybe we should drive him home?" Xhyraine but her lower lip. Ephraim threw a confused glance at her. "W-wala siyang kasama pauwi."

"I don't know where he lives," malamig na wika ng pinsan.

"Let's sober him up first. And then let's drive him home." She asked Vanessa to get some water for the Architect.

Tuluyan ng tumaas ang kilay ni Ephraim. "The game's over, Xhyraine. Stop it."

"I just want to help him..." Pinamulaan siya ng pisngi. It's too obvious that she wanted to stay with him a little longer.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya." Hinila ni Ephraim ang binata paupo sa kanilang table. Pagkatapos ay siya naman ang hinawakan nito sa braso. "Ihahatid na kita sa baba. You'll go home."

Nanlaki ang mga mata ni Xhyraine. I can't go home yet!

"Ephy!" Ipiniksi niya ang kamay ng pinsan. "You and your KJ attitude! Hindi pa ako uuwi!"

"Don't be stubborn, Xhy. Mapapagalitan ka ng daddy mo."

"I-I can't drive! I'm tipsy," pagdadahilan niya. She even leaned a little on his cousin's arm. "Ihatid na muna natin si Architect. Tapos sunod ako."

Ilang segundo siyang tinitigan ng pinsan. "Your car? And your guards?"

She pouted her sexy lips. "Just tell them I'm with you."

Ephraim sighed, feeling defeated. Wagi naman siyang ngumiti. That's why Ephraim's her favorite cousin. She was so spoiled by him. Kung minsan nga ay pinagkakamalan silang magkapatid. It's not too hard to assume because they have the same features. Lalo na ang kanilang asul na mga mata na namana nila sa kanilang mga ina.

A Taste of Her Sweet Mistake (Mistake Series #4)Where stories live. Discover now