CHAPTER ONE

134 54 82
                                    


DONNY'S POV



Malalim na ang gabi, malamig ang sariwang simoy ng hangin, Maliwanag ang ilaw na nag mumula sa perpektong hugis ng buwan, Payapa ang kapaligiran.

Ngunit heto't mag-isa akong umiinom ngayon sa labas ng bar, nakakatawa lang isipin na sunod-sunod naman ang mga successful projects at movies ang natapos ko ngayong taon. Ngunit bakit parang may kulang pa rin.

'Masaya naman ako t'wing kasama ang pamilya at mga kaibigan ko, ngunit kapag ganitong mag-isa nalang ako? Hindi ko mapigilang malungkot, Wala akong maramdamang saya o kahit tuwa man lang. Bakit ganito?.."

Nagulat ako ng may babaeng maupo sa tabi ko ngunit nanatili lang akong nakatingin sa kawalan ni hindi ko man lang siya nilingon.
Nanatili rin kaming nasa ganoong posiyon ng ilan pang minuto bago niya binasag ang nakabibinging katahimikan.

"Happiness is not all about getting what you want, But being contented on what you have."

Napalingon ako dahil sa linyang binitiwan niya, Hindi siya nakatingin sa'kin at walang ekspresyon ang kaniyang mukha. Nakamasid lang din siya sa kung saan.

'Sinong kausap nito?'

"Being happy, doesn't mean everything's perfect, It means you've decided to look beyond the imperfections."

Hindi ko siya sinagot, At sa halip ay mas tumitig ako sakanya. Pinag-aralan ko ang kaniyang kabuuan..Nakasuot lang siya ng plain oversize t-shirt, white sketchers at black pants na hanggang tuhod.

'Psh ang baduy. May itsura nga baduy naman manamit wala rin'

Hindi siya sobrang ganda, Walang-wala kumpara sa mga nakakasama ko sa trabaho pero hindi ko maitatanggi na may itsura pa rin naman siya kahit papaano. Walang kahit anong kulorete ang mukha niya hindi gaya ng mga babaeng nakakasama ko na hindi nakakaharap sa tao kung walang suot na make-up. Nakatali lang ang mahaba at gulo-gulo niyang buhok. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng mukha niya at ang pang-huli natigil ako sa  mapuputla niyang labi.

"Wag mo 'kong titigan baka ako pa ang maging dahilan para sumaya ang malungkot mo ng buhay?"

Agad na nag salubong ang dalawang kilay ko sa huling linyang sinabi niya.

'Baliw pa ata 'to'

"What the hell are you saying miss?" may bahid ng inis ang paraan ng pag tatanong ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niya akong lingunin at mas nagulat ako ng tignan niya ako ng deretso sa mga mata.

Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong naramdaman ng mag tama ang paningin namin
Kakaiba dahil ngayon ko lamang ito naramdaman!

'Hayst epekto lang yan ng alak donny..'

"Life is short, choose to be happy" naka-ngiting dagdag niya pa!

Hindi ako nakasagot at napatitig lang ako sa ngiti niya. Bakas sa postura niya na may tama na rin ng alak, Kaya marahil ganyan ang mga pinagsasasabi niya sa harap ko.

"Bakit ka ngumingiti ng ganyan sa harap ko?! Trip mo ba ko?" Taas noong tanong ko sa kanya.

Ngunit hindi ko inaasahan ng isang nakakaasar na ngisi ang isagot niya sa tanong ko!

"Sagutin mo nga ako!"

"Ano sa tingin mo?" malumanay niyang ibinalik sa'kin ang tanong! Kaya lalo akong na bwiset!

WE'RE UNEXPECTED (O N G O I N G)Where stories live. Discover now