CHAPTER FIVE

55 29 33
                                    

Donny's POV


'Bwiset na babae 'to! Napaka walang kwentang kausap!'

Hindi na siya kumibo at nag tuloy na sa paghuhugas. Kaya ganon nalang rin ang ginawa ko. Sa tingin ko ay nasa limang libo ang bilang ng mga maruruming plato na'to. Pero wala pa sa isang daan ang nahuhugasan namin. Kaya nanlulumo akong nag patuloy. Hindi na ako nag salita at nag hugas na lang..

Pero wala pa man kaming isang oras ay nananakit na ang mga braso ko. Ramdam ko rin ang pagpapawis ng aking ulo..At talagang nangangalay na rin ang mga paa ko kaya sandali akong tumigil. Nang lingunin ko si Xael ay salubong na ang kanyang mga kilay at masama ang tingin sa mga pinggan na hinuhugasan. Bahagya akong natawa sa itsura niya..kaya lumingon ako sa aking tagiliran at doon palihim na bumungisngis.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" biglang anang niya kaya gulat akong napaayos ng tayo.

Nang muli ko siyang lingunin ay masama na ang kaniyang tingin sa akin.

*LUNOK*

"Hindi ah! Bakit naman kita pagtatawanan? Ano ka clown?!" nagpipigil ng tawa na palusot ko.

"Tss.." siniringan niya lang ako at saka nag patuloy sa ginagawa..Nakangiti naman akong nag iwas ng tingin.

'Tch! Para siyang si Olive Oyl!'

Nag tuloy na lang ulit ako sa pag huhugas ngunit maya-maya lang ay natigil nanaman ako!

'Nagugutom na'ko! Tsk dinaig ko pa ang alipin sa sitwasyon ko ngayon! Nakakainis hindi pa talaga ako kumakain..'

Nagpalinga-linga ako at hinanap ang mga pinamili ko kanina..Pero agad akong nanlumo ng maalala na naiwan ko 'yon sa itaas.

'Kamalasaaaaaaan!!!'

"Anong hinahanap mo?" takang tanong ni Xael.

"Hinahabap ko lang yung mga pinamili 'ko."

"Iniwan mo sa lamesa sa taas" anang niya "..teka kumain ka naba?" kunot-noong tanong niya.

"H-Ha?"

"May problema ka ba sa tainga?! Kanina ka pa ah!"

'Tsk! Napaka-haba talaga ng pasensya ng babaeng 'to!'

"Hindi pa.." umiiling na sagot ko.

"Kailan ka pa huling kumain?" walang emosyon na tanong niya.

"K-Kaninang umaga pa" utal na tugon ko.

"Tss..sira ba ulo mo? Paano kang makakapag-trabaho ng ayos kung kumakalam 'yang sikmura mo?" halatang inis na aniya "Tumigil ka na muna at maupo ka doon" nginuso niya ang table na nasa harap mismo ng glass window, may apat na upuan 'to.

"Hindi na ayos lang ako, kaya ko pa naman" asta na akong mag huhugas muli ng maramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa braso ko.

Nilingon ko ang kamay niyang naka-hawak sa'kin bago muling salubungin ang kaniyang mga titig. Agad rin siyang bumitaw at nag buntong-hininga.

WE'RE UNEXPECTED (O N G O I N G)Where stories live. Discover now