CHAPTER SEVEN

16 3 0
                                    


XAEL'S POV

Nagmadali na ako sa paglalakad dahil talagang napakagulo sa loob ng bar, Hindi ko kayang tumagal sa ganito kaingay na lugar kapag inaantok ako. Pakiramdam ko ay pinupukpok nang paulit-ulit ang ulo ko! Masyadong malaki ang bar na niyon kaya ang hirap lumabas, Idagdag mo pa ang napakaraming taong nakaharang sa daan.

Marami ang nagsasayaw sa dance floor habang ang iba ay patuloy pa rin sa pag-inom, May mga nadaanan pa akong naglilingkisan sa sulok! Kaya agad rin akong nag-iwas ng tingin at bumaling nalang sa sahig.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na akong makalabas. Agad na dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Tuloy, naiyakap ko pa ang mag kabilang braso sa aking sarili.

'Ang lamig..'

Yumuko ako at nanlulumong isinuot ang dalawang pares ng sapatos. Nang mag angat ako ng tingin ay wala na ni isang nasa garden. Nagpalinga-linga pa ako dahil hindi ko alam kung paano lalabas. Sarado na ang glass door sa itaas kung saan kami nanggaling kanina at nakapatay na rin ang mga ilaw sa loob non, nakasisiguro akong wala ng tao.

Hindi ko kabisado ang pasikot-sikot sa hardin nato, Madalas akong narito noon ngunit hindi naman ako inaabot ng hanggang madaling-araw. Kadalasan alas-otso pa lang ay umuuwi na ako, Hindi ko rin gawain ang mag libot..Sapat na sa'kin ang manatili sa isang p'westo at panoorin ang paglubog ng haring araw. Kaya naman ang tanging alam ko lang na daan pabalik ay ang sa caferesto ngunit ng dahil sarado na nga ito, hindi ko na alam kung saan ako mag-tutungo!

Tss..

"Sinabing sandali lang! Bakit ka ba nang iiwan?!" Napapikit ako ng mariin kasabay nang matinding pagkuyom ng aking mga kamao ng muling marinig ang napakalakas niyang tinig.

'Gusto ko siyang gawing punching bag sa totoo lang..Masyado siyang maingay, kung maka sigaw siya ay para bang isang kanto ang pagitan namin!'

Nanggagalaiti ko siyang nilingon "Ano na naman ba?" nawawalan ng pasensyang tanong ko.

"Sinabi nang hintayin mo 'ko pero nag tuloy-tuloy ka pa rin! Ganyan ba talaga kasama ang ugali mo?!" bulalas niya.

"Anak ng..bakit ba nagpapahintay ka pa?z Makakalakad ka namang mag-isa, kahit wala ako...hindi ba?" taas-kilay na tanong ko.

"Oo nga! Pero, engot ka ba?Bar pa rin 'to!" aniya

Ngumiwi ako "Oh, Ano naman ngayon? Anak ng..kalalaki mong tao takot ka pang ma-manyak sa loob ng bar?" takang tanong ko, Kunot-noo niya naman akong tinitigan. "Tss bakla.." mahinang dagdag ko, mukha namang hindi niya narinig dahil walang nag bago sa kaniyang ekspresyon nananatiling masama ang tingin habang salubong ang mga kilay.

"Engot ka ba talaga?! Ikaw kasi ang tinutukoy ko! Kahit mukha ka pang basahan, dahil diyan sa maruming suot mo..Hindi pa rin natin masasabing wala ng magkaka-interes sayo! Marami ng gago sa panahon ngayon kaya kung ayaw mong mabastos wag kang pabara-bara kung kumilos!" mahabang panenermon niya.

'Rhyme pa talaga ah? tss..'

'Hindi naman pala siya ganon ka isip-bata. Isip-gurang siya, Lolo Donato..tsk, tsk, tsk'

"..at kung pwede wag kana ring mag suot ng ganiyang damit! Lalo kung wala ka naman palang sariling kotse!" anas niya "Tch! Ang lakas ng loob mag heels tapos mag co-commute lang rin naman pala.." siniringan niya pa ako bago tuluyan lagpasan!

Napailing nalang ako sa pagka dismaya, Napapabuntong-hininga akong sumunod.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paperbag na bitbit-bitbit niya. Sa tingin ko ay yung mga natira naming pagkain ang nilalaman non.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WE'RE UNEXPECTED (O N G O I N G)Where stories live. Discover now