PROLOGUE

159 56 83
                                    


'The best things in life happen unexpectedly. The best stories begin with "and, all of a sudden.." The best adventures were never planned as they turned out to be. Free yourself from expectations. The best will come when and from you least expect it.'

"It's the unexpected that changes our lives," nakangiti kong sinabi.

Hinawakan niya ako sa mag kabilang pisngi, Dahan-dahan siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng isang matamis na ngiti mula sa aking labi. Hindi siya nag tagal doon dahil ang halik niya ay bumaba pa sa aking ilong paibaba sa aking labi. Ang matamis na halik ng lalaki ito ang dahilan upang sandali akong mawala sa ulirat. Siniil niya ng paulit-ulit ang pang ibaba kong labi. Walang kasing tamis, walang kasing gaan. Ang napaka lambot at mapupula niyang labi ang nag papabaliw sa nagwawala ko ng sistema. Hinalikan niya ako ng marahan at mabagal mararamdaman mo ang labis na pag-mamahal at ang matinding respeto, nakakamangha...kakaiba.

Agad siyang tumigil at tumingin sa akin ng may mapupungay na mata.

"We're unexpected and you changed my life," Nakangiti niya ring tugon.

Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pag patak ng aking luha. Muling sumagi sa aking isipan ang sakit at lungkot na idinulot sa akin ng lalaking ito.

'I accepted it already, but it still make me sad...'

Agad ko ring pinunasan ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata patungo sa kamay niyang nananatiling nakahawak sa mag kabila kong pisnge "You're the only trauma that I still want," natatawang asik ko sa kanya.

Napalitan ng lungkot ang kaninang kumikislap sa saya niyang mga mata. Ngumiti siya sa akin pero batid kong pilit iyon, Marahan siyang umayos ng tayo at bahagyang lumayo sa akin. Parang binambo sa sakit ang dibdib ko ng makita ko ang pangingilid ng luha niya. Nagsisisi tuloy ako na ganon pa ang aking sinabi.

"I-I'm really sorry babe. Hindi ko yon sinasadya. Please d-don't cry. Ayokong lumuluha ka. Mahal na mahal kita, tahan na." nag-aalalang aniya.

Hindi ako nakasagot dahil pakiramdam ko anumang sabihin ko sa kanya ngayon ay magiging dahilan upang tuluyan ng tumulo ang mga luha niya at sigurado akong hindi ko iyon kakayaning makita.

Imbis na mag salita lumapit ako sa kanya at yumakap.

"My heart wants you, only you p-please don't leave me. Wag mo akong hihiwalayan b-babe," Gumagaralgal niyang sinabi, Para iyong pira-piraso ng mga bubog na tumatarak sa puso ko isa-isa. "Hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Hindi ko kaya."

"You didn't lose me, I'm still here. I'll honestly do anything for you, I really want to end up with you." pilit kong pinigilan ang mga luhang gustong kumawala mula sa akin, dahil paniguradong kapag muli akong umiyak ay hindi na ito mahihinto pa.

Ramdam ko ang bahagyang paghigpit ng yakap niya sa akin, na para bang ayaw niya na akong mahiwalay pa sa kanya kahit na kailan.

Malalim akong humugot ng hininga bago muling nag salita "..but, Please don't give me another reason to give up. Baka tuluyan na akong bumigay at dumating sa puntong hindi na kita kayang ipaglaban." masakit man ay seryoso ko itong sinabi...


🦋~TO BE CONTINUE~🦋

Please don't forget to Like, Comment, and Follow...Thank you so much.

-Your Loving Author ♥️

WE'RE UNEXPECTED (O N G O I N G)Where stories live. Discover now