CHAPTER EIGHT

24 20 0
                                    

Christine
Kinabukasan ay pinag-uusapan na ang natagpuang bangkay kahapon ng gabi kung saan ay kami ang unang nakakita nito. Nang puntahan at tignan namin nito nina Eithan, Owen, Jacky at ako ay binalutan na ito ng masangsang na amoy at basang-basa dulot ng malakas na ulan kagabi.

"Nakaka-awa naman yung girl, may madadatnan pa naman sana na anak yung pamilya niya pero wala na siya", awa ni Jacky sa biktima.

Kagabi noong nakita namin siya ay may inabot siyang kagamitan at sinasabi niyang ibigay ko sa estudyante sa isang room, kinuha ko na rin ang ID niya nang hindi ko makalimutan ang numero ng silid. Inilabas ko ito mula sa bulsa ko at tinignan ang pangalan dahil hindi ko pa nakita ng mas maayos ang ID mula kagabi. Ang pangalan pala ng babae ay Jane, Jane Edward.

"Jane, bakit ka ba kasi lumabas ng ganoong oras, sino na niyan kasama ko sa room, sana pala ay sinamahan kita kagabi para hindi ka napahamak", salita ng isang babae sa bangkay ng biktima na parang kaibigan niya.

Nilapitan ko ang babae at tinanongan. "Ikaw ba yung ka-roommate ni Jane?", tanong ko sa kanya.

"Oo, kaibigan ko siya, sino po ba kayo?", sagot niya.

"Kami yung unang nakakita kay Jane kagabi, sinubukan namin siyang tulungan at hulihin ang pumatay pero pinipigilan niya kaming dalhin siya sa clinic at wala na akong nagawa dahil punung-puno na rin siya ng saksak sa likod", mangiyak-ngiyak kong sagot sa kanya na hinawakan ni Jacky at balikat ko upang pakalmahin ako. "Pinabibigay niya ito sayo", dagdag ko at iniabot ang box na maliit.

"Salamat, kahit papano ay natulungan niyo siya", pagpapasalamat niya sa amin. Binuksan niya ang box at inilabas ang gintong kwintas na may rectangular na charm sa dulo na bumubukas, binuksan niya ito at nakita ang isang litrato niya at ng kanyang kaibigan na si Jane.

Habang nakatayo kaming apat sa lugar na iyon ay bulung-bulungan na ng mga estudyante ang nakababahalang pagpapatay ng mga tao sa loob ng campus ng isang misteryosong tao.

"Ano naman kaya ang susunod na mangyayari?", tanong ni Jacky. "Weird na mga bagay na kasi naglalabasan rito sa campus", dagdag pa niya.

Nagpatuloy na lamang kaming naglakad papunta sa mga kanya-kanya naming klase.

Habang naglalakad kami ay pansin na busy talaga ang mga tao sa pakikipag-chikahan sa kanilang mga kaklase. Halatang-halata na sa sarili ko ang pagiging nerbiyoso at natatakot na rin sa mga maaari pang mangyaring mga kakaibang bagay. Ito na ata ang sinasabing sikreto ng paaralan na sinabi sa akin ni kuya driver, kailangan naming maging handa at mapagmasid sa kung anumang bagay-bagay sa paligid namin upang hindi kami ang mapuntiryang patayin ng misteryosong tao na iyon na hinabol kagabi ni Eithan. Kahit na may sugat itong lalaking ito ay nagpilit pa ring pumasok ng klase. Bago pa kami bumalik kagabi sa mga silid namin ay pumunta muna kami sa clinic at pinagamot ang sugat ng lokong 'to.

"Bakit ka pa kasi pumasok imbes na nagpapahinga ka sa room niyo", galit na sinabi ko sa kanya.

"Bakit, ayaw mo ba akong makita?", tanong niya ng pa-cute at inilapit ang mukha niya sa akin ng eight inches ang layo. yieee gwapo! rupok mo Tin!

Natigilan ako ng kaunti at inilayo rin siya sa mukha ko. "Ayaw ko, never", sagot ko na ikina-inis niya. Naggalit-galitan pa ito ng pa-cute at tinalikuran ako para lang pansinin siya, hinayaan ko siyang nakatalikod at hindi inaksaya ang pagkakataong iwanan siya at dumiretso na sa room.

"Hoy! Mang-iiwan ka talaga noh!", sigaw niya sa akin nang humarap na siyang muli.

Owen
Kahit saan talaga ay hindi mawawala ang kakulitan ng dalawang ito dahil kahit na nandito ako sa distansiyang malayo-layo ng kaunti sa kanila ay nakikita ko silang naghaharutan at nag-uusap pa sa gitna ng area.

Casia Sicarius (Life's Love And Murder)Where stories live. Discover now