CHAPTER TWENTY

7 2 0
                                    

Christine

Lumitaw kami sa isang kakaibang mundo na parang lugar nitong kasama ko. Tahimik, madilim ang langit na may kasamang mga pagkulog at pagkidlat. Kakaiba ang pakiramdam dito, puno ng kilabot ang katawan ko. Mahirap din huminga at parang may nakatingin sa'yo sa kung saan.


Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw nang maayos. Kanina pa siya naglilibot na parang may hinahanap. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na'to. Mukhang nasa panganib na nga ako nito ngunit hindi ko alam paano umalis sa lugar na ito lalo na't siya ang nagdala sa amin dito. Siya lang ang may kakayahan na makaalis at makapunta rito.


"Handa ka na ba?", biglang tanong niya na nagpakilabot ulit sa akin.


Napalunok ako sa kaba at hindi alam ang isasagot. "Saglit lang, gusto ko munang mabisita ang mga kaibigan ko kahit isang araw lang kahit ganito muna ako. Ihahanda ko lang and sarili ko", salita ko.


"Sige, pagbibigyan kita ng isang araw para mabisita mo sila bago natin simulan ang proseso", sagot niya at pumitik sa daliri niya.


Bigla na lang akong namulat na nandito ulit ako sa paaralan, ngunit hindi nila ako nakikita. Nandito ako sa hallway sa unang palapag at maraming estudyante ang patuloy lang naglalakad nang hindi ako natatamaan, isa lamang akong kaluluwa ngayon at ako lang ang nakakakita sa kanila.


Nang mapagtanto ko ang pakay ko ay dali-dali na akong pumunta sa ikalawang palapag upang isa-isang puntahan ang mga silid ng aking mga kaibigan. Una kong napuntahan ang kina Axel at Jayden, sumunod ang kina Aislinn at Rina. Nakakapagtakang wala sila sa kanilang mga silid lalo na't hindi naman ngayon oras ng klase nila. Wala rin sina Kylie at Kyle sa silid nila pati sina Wil at Wesley. Nag-aalala na'ko at pati sila wala. Pumunta na ako sa silid namin para makita ko ang kalagayan ni Jacky ngunit pati siya ay wala. 


Kumusta na kaya sina Eithan at Owen, maayos na kaya sila. Sila na'ng sinunod kong pinuntahan sa kanilang silid. Ngunit si Eithan lang ang nandoon, puno pa rin ng pasa at bugbog na natamo niya kahapon sa gulo. Abala siyang natutulog at nagpapahinga pa ring nakahilata sa kaniyang kama. Nilapitan ko siya. Hinahaplos ko ang kaniyang ulo na parang nahahawakan ko nga talaga ito.


"Pahinga ka lang diyan, palakas ka", bulong ko sa kaniya at umalis na.


Saan naman kaya maaaring pumunta ang mga kaibigan ko at wala silang lahat. Hindi kaya magkakasama lang sila sa isang lugar. Sumunod na akong pumunta sa school cafeteria dahil iyon na lang ang naiisip kong pupuntahan nilang magkakasama. Hindi pa ako nakakapasok ay nakasalubong ko sa mga upuan at mesa na nasa labas ng cafeteria ang mga bruha. Sila ang may dahilan kung bakit ako ganito ngayon.


Sa sobrang galit ko ay sinubukan kong hawakan ang kanilang mga iniinom at pagkain at itapon ito sa kanila. Nagtagumpay nga ako sa balak ko at himalang nagalaw ko ang mga ito at natapon ang lahat ng pagkain nila sa kanila. Napatayo sila sa gulat at natakot din dahil walang gagawa no'n sa harapan nila't wala namang ibang tao kung hindi ang mga nakaupo rin sa ibang mga upuan.


"Sh*t! Magpapalit na naman ako", sigaw ni Alexis.

"Sino namang gagawan nito sa'tin at wala namang tao?", tanong ng isa niyang kaibigan na may halong takot.

Casia Sicarius (Life's Love And Murder)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon