CHAPTER ONE

62 32 2
                                    

Pa'no ko kaya sisimulan 'tong istoryang 'to. Nagsimula lahat sa isang malakas na tunog ng alarm clock.

*Pag-ring ng alarm clock*

"Anak gising na", sabi ng unang boses na narinig ko, si mama.

Pagbangon ko, bumungad sa harapan ko sina mama't papa hawak-hawak ang isang magarang uniporme na parang galing sa isang mayamang paaralan.

"Anong meron?", tanong ko sa kanila.

"First day of school diba? Eto yung susuotin mo,"sagot ni mama.

"Oo nga pala may pasok na, kailangan ko nang maligo," bigla kong sambit.

"Bilisan mo na diyan malapit na call time niyo sa school," paalala niya.

Bumangon nako at binilisan ko nang maligo at kumain. Habang kumakain ako, bigla akong napa-isip, Saan kaya ako mag-aaral? Gaano kaya kalaki yung school? Para naman akong bata sa pagtatanong ko sa mga tanong na 'yon.

*Busina ng sasakyan*

Dumating na yung sundo ko, isang limousine na kulay gold, puti at pula. Pagkadating ko sa isang pinto nito ay biglang sumulpot sa gilid ko ang isang lalaking naka makapal na kulay red na damit na may gold na butones, black pants at black na sapatos na pang eskuwelahan. Binuksan niya ang pinto para makapasok ako sa loob ng sasakyan. Sa loob nito mayroong dalawang puting malambot na mala-sofa sa dalawang gilid nito malapit sa mga bintana. Maraming pagkain na naka patong sa isang mesa na pwedeng kainin.

Pagpasok ko ay sinara na ng lalake ang pinto at umalis na. Sa pagbiyahe pa lang ay matagal na ibig sabihin ay malayo itong eskuwelahang 'to at sigurado ako malaki 'yon.

"Anong grado o grade na po kayo doon ma'am?", tanong ng driver sa akin.

"Freshman pa lang ho ako doon," sagot ko sa kanya.

"Nako, mag-ingat ka doon ma'am, matagal na akong driver ng eskuwelahang 'yon simula noong ka-edad niyo pa ako, tignan mo naman matanda na ako at hindi ako makaretiro dahil tinatakot nila ako na papatayin daw nila ako kung magreretiro ako at magtatrabaho daw ako sa kanila hanggang mamatay ako,"

Bigla akong natahimik sa sinabi ng driver ibig sabihin ay biktima na rin ako ng eskuwelahang 'yon. "Manong, pwede po bang umuwi na ako? Mag-e-enroll na lang ako sa ibang eskuwelahan," tanong ko sa driver.

"Ay nako, hija, kapag nag-enroll ka na doon hindi ka na pwedeng mag-back-out. Yun ang pinakatago-tago nilang sikreto, at...", sagot niya na natigil ang kanyang sinasabi.

"Ano pa po yung isang sikreto nila?", tanong ko ulit.

"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito sa isang istudyanteng gaya mo pero, ko-konti lang ang nakakatapos roon at nakakalabas," sagot niya.

Pagkatapos kong narinig ang sinabi ng driver ay nablangko ang sarili at 'di alam ang gagawin. Tutuloy pa ba ako sa eskuwelahang 'yon o bababa nako dito? Nag-aalala ako sa kung anong pwedeng mangyari sa akin habang nandoon ako at sana naman ay makauwi at makatapos ako doon ng ligtas at makasama ko pa parents ko.

Sa tagal ng pag-iisip ko ay nakarating na pala kami sa eskuwelahan na kinatatakutan ko na ngayon. Malawak ang pagkakagawa dito at malaki ang mga gate na tila isang malaking kaharian ng kasamaan, ukol sa mga sinabi sa akin ni manong driver.

"Good luck, Christine, kaya mo 'yan, maliligtas ka at makakasama mo pa pamilya mo," bulong ko sa sarili ko habang palabas ng sasakyan.

Habang naglalakad ako ay pinagbukas uli ako ng gate ni gwapong lalake para makadaan ako nang dire-diretso, pagbukas ng dalawang malalaking gate ay bumungad ang maraming mga estudyante na mukhang freshman rin, at pinagtitigan ako ng parang strikto. 'Di ko na lang sila pinansin at nagdire-diretso na lang uli ako ng lakad.

Casia Sicarius (Life's Love And Murder)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें