CHAPTER SEVENTEEN

3 2 0
                                    

Christine

Pagkatapos ng mga nangyaring iyon ay siguro naman nga ay nadala na sila, pero hindi ako sigurado sa killer. May tinatagong kulo iyon sa loob niya na gusto niyang ilabas sa aming mga inosenteng walang kasalanan sa kaniya. Sigurado akong may koneksiyon siya sa ekwelahang 'to at ganoon na lang ang trato niya sa mga nandito.


Una ay ang babaeng nakita namin ni, syempre si Eithan. Pangalawa ay sa party hall, at ngayon ay ang pagkuha sa mga estudyante. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa mga ito? Patayin? Kung papatayin niya lang rin pala ay hindi na niya kailangan kuhanin ang mga ito at palihim na patayin. Ang punto ko lang, saan niya dinadala ang mga ito at bakit itinatakas niya ang mga ito? May kasalanan ba ang mga ito sa kaniya?


Kinabukasan ay naging normal na ang lahat, simula sa klase namin at sa mga estudyante. Naging maayos na ang lahat at hindi tahimik, nagkakagulo na sila at nagsimula na nga ang mga tsismisan.


"Buti na lang wala 'yung mga naka-itim na lalake, 'no?", rinig kong sabi ng isa kong kaklase na nasa harapang upuan ko lang. Siguro nga ay nabalitaan na nila ang nangyari kahapon.


"Pero, dapat noong una pa lang umaksyon na sila eh, umabot pa ng dalawang araw para lang gumalaw na sila. Oo, natatakot tayong magsabi noong una kaya nanahimik lang tayo, pero sana man lang kumilos na sila dahil alam na rin naman nila ang nangyari", opinyon ng isa ko pang kaklase.


Kung ganoon nga, natatakot lang sila. Kaya ganoon na lang katahimik noong una. Kung nagsabi lang sana sila ay agad na sana naming nalaman kung alam na pala nila nung una pa lang.


Wala na rin sa tabi ko si Owen, bigla na lang siyang nalipat sa iba pwesto malayo sa akin at kay Eithan. Hindi ko alam bakit, wala naman akong ginagawa sa kaniya. Sa totoo lang, hindi ko na siya na nakakausap pero siguro si Jacky nakakausap siya.


Siguro nga ay dahil kina Eithan at Alexis, nang maging sila ay biglang nag-iba si Eithan, kaya pati si Owen ay nadadamay sa kanilang dalawa. Pagkatapos noong party na naganap sa dorm namin ni Jacky ay doon na rin niya ako tinigilang kausapin, hindi ko alam bakit pero sa tingin ko ay may kinalaman dito ang dalawa. Masamang impluwensiya talaga si Alexis sa kanilang dalawa, pati pagkakaibigan nilang dalawa ay parang balak niya ring sirain at ilayo si Eithan dito. Kailangan niya ng mawala at malayo kay Eithan.


Sa mga nagdaang araw ay normal naman lahat. Wala lang sagabal o problema, malibang na lang sa hindi pa rin namin pag-uusap ni Owen, maging si Jacky ay hindi rin siya kinakausap. Lalo na sina Wesley na bago pa lang naming nakilala at hindi rin gaanong kakilala si Owen, lalo na sina Eithan at Alexis.


Inaalala ko lang siya kung anong pwedeng nangyayari sa kanya. Kung may nananakit ba o pumipigil sa kaniya. Kaya nag-open up kay Jacky.


"Nakaka-usap mo pa ba si Owen?", tanong ko sa kaniya habang ginagawa niya ang kaniyang assignment.


"Uhm, hindi na, medyo busy kasi ako eh. Pero hindi na halos kahit wala akong ginagawa kapag nakakasalamuha natin siya, ewan ko anong meron doon", baka wala nga rin siyang oras kaya 'di na niya kami nakakausap pero kung may problema siya, pwede naman siyang magsabi sa akin o kay Jacky.


"Sa tingin mo may kinalaman si Eithan dito?", tanong ko sa kaniya.


Casia Sicarius (Life's Love And Murder)Where stories live. Discover now