CHAPTER FIVE

31 22 0
                                    

Christine
Natapos na namin ang tatlong subjects at naghihintay na lamang na bumalik muli rito ang Math teacher namin na PE coach rin namin na si Sir Devant. Medyo weird nga lang ang pagkilos niya kapag nasa harap ko. Tila naglalambot ang tuhod niya at hindi makatayo nang maayos at diretso. Mukhang may gusto siya sa akin na hindi niya masabi-sabi. feelingera!

"Anong iniisip mo diyan?", tanong ni Owen sa akin na nahagilap ko ring nakatitig rito sa lugar namin si Eithan. Nang makita niya akong tumitingin sa kanya ay tumigil ito sa pagtingin sa lugar namin.

Nakita akong nakatingin ni Owen sa kung saan kaya sinundan niya ang titig ko hanggang sa mapansin niya na nakatitig ako sa lugar ni Eithan.

"Ahh... Kaya pala", salita ni Owen habang nakatingin rin kay Eithan na hindi niya alam ang gagawin niya habang tinitignan namin siya.

"Kung ano man iyang iniisip mo, you're wrong about it", sabi ko sa kanya sa sinabi niya. "Parang nakita ko kasi siyang nakatingin rito habang kinakausap mo ako kanina", eksplanasyon ko.

Natigil ang pag-uusap namin ni Owen nang biglang magbukas ang pinto at nandoon na si Sir Devant suot ang isang blue shirt at blue short na sobrang fit sa katawan niya na bakat na bakat ang magandang katawan nito pati na ang "ano" nito at may suot ring tela na parang bandana na kulay blue rin na ginagamit sa pag-e-exercise.

"So, are you ready?", tanong niya sa buong klase.

"Opo Sir!", sagot ng lahat.

"Ang ganda ng katawan ni Sir, kung pwede lang jowain ko na 'yan", bulung-bulungan ng mga kaklase kon babae habang nakatitig sa katawan ni Sir na punong-puno rin ng buhok ang legs nito.

Biglang tumayo si Eithan sa buong klase at kinuha ang kung anong bagay sa bag niya at dinala iyon sa CR. Pagbalik nito ay nakasuot rin ito ng fit na damit na gaya ng damit ng guro namin, sa halip ay kulay pula naman ang shirt at shorts nito na tila mo'y magka-away ang dalawa sa kulay ng kanilang suot.

"I am ready, Sir", sagot nito at sabay tingin sa akin at sabay ngiti, napatingin rin sa akin ang ibang kaklase naming babae na nakataas ang isang kilay at mukhang galit.

Narinig ko ulit ang bulung-bulungan ng mga ito tungkol sa suot ni Eithan at bigla kong narinig ang isang bulungan nila na tungkol sa akin na nagpagalit sa akin ng kaunti, "Ano naman kayang ibig sabihin ng ngiti-ngiti ni Eithan sa babaeng 'yon eh mukhang mas magara at maganda pa tayo sa kanya eh", bulong nila. sa inyong sa inyo na 'yan, hindi ko 'yan gusto!

Napansin ni Owen ang kaunting galit sa mukha ko at sinubukan akong pakalmahin kahit papano. Narinig rin iyon ng aming guro at nagsalita rin pagkatapos, "Guys, walang ginawa ang diyos na hindi maganda sa mundo, marami lang talagang mga judgemental na tao sa iba't ibang lugar sa mundo", paliwanag ni Sir.

Natigilan lahat ng bulungan sa loob ng silid sa sinabi niya at nagsi-tayuan rin upang dumiretso sa field sa likod ng school na sobrang init ng temperatura. Paglabas na paglabas pa lang ng eskwelahan ay pinagpawisan na kaming lahat lalo na si Sir Devant at si Eithan na nakasuot ng fit na damit. Binalot sila ng maraming pawis sa katawan nila at pinagtitignan ng lahat ng babaeng estudyante sa labas ng school.

Pagkarating sa field ay punong-puno na kami ng pawis lalo na ang kili-kili ko at mukha ko. Nakita si Jacky na nakatayo kasama ang mga kaklase niya malapit sa field na pupuntahan namin. Napansin niya rin sina Sir Devant at Eithan sa suot nila.

"Christine, hintayin mo 'ko mamaya, we'll talk!", sigaw nito sa akin na narinig ng lahat.

Bigla akong naka-ramdam ng kahihiyan dahil sa ginawa niya at tinitignan rin ako ni Eithan at Sir Devant na lalo pang nagbigay sa akin ng embarrassment.

Casia Sicarius (Life's Love And Murder)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα