CHAPTER TWENTY ONE

1 1 0
                                    

Jacky

Habang dumarami ang mga araw na hindi ko kasama si Tin dito sa silid, hindi ako matahimik at ilang gabi na akong hindi makatulog nang maayos. Hindi ako mapakali rito at maghintay sa wala ng hindi ako kumikilos para sa kaibigan ko, nag-aalala na'ko sa kaniya. Gabi-gabi pa ay parang nararamdaman kong kasama ko siya sa tabi ko, ngunit kahit lingon ko sa kung saan o sa kwarto niya, wala naman siya.


Kung totoo mang siya 'yung nakasama namin sa fifth floor, bakit gano'n na lang bigla sinapit niya? Sinong nagtangkang gawin sa kaniya 'yon? Sinong dahilan ng pagiging kaluluwa niya bigla? Ayaw ko mang sabihin, pero sinong pumatay sa kaniya? Ang hirap tanggapin ng mga nangyayari ngayon. Hindi pa kami gaano nagtatagal sa lugar na'to, ganito na mga nangyayari.


Pa'no akong didiretso lang sa klase habang nalalaman na ganito nga ang sitwasyon namin, ni Christine. Isipin ko na lang ba na parang walang nangyayari? Na normal lang ang araw na mga 'to?



Nakaupo lang ako sa klase sa pinakagilid na malapit sa bintana, 'di ko alintana ang mga binibigkas ng guro namin at patuloy lang akong nagmamatyag sa bintana na parang may hinihintay na mangyari sa labas.


Tirik na tirik ang araw, mainit at hindi gaanong mahangin base sa nakikita ko sa labas ng bintana. Pero kapansin-pansin ang namumuong parang moist sa salamin ng bintana. Ang weird lang na isang parte lang ng salamin ang may ganoon. Nang mabuo na ang moist ay may lumilitaw na parang may nagsusulat dito. Isa-isang lumitaw ang mga letra, "J-A-C-K-Y". Kinilabutan ako at hindi ako nagdalawang isip na ilabas ang tablet ko at kuhanan ng letrato ito bago pa mawala.


"Ms. Gonzales, may mas mahalaga ka bang pinagtutuonan ng pansin riyan kaysa sa klase ko?", sita sa akin ng guro namin.


"Sorry po, Ma'am", tinago ko na ang tablet ko, hindi ko na pinansin ang nasa bintana, at nakinig na lang sa harap hanggang sa matapos ang oras upang makapunta na ako sa mga kaibigan ko at sabihin sa kanila ang nangyari.


CHRISTINE

Kitang-kita ko sa mukha ni Jacky ang gulat nang isulat ko sa salamin ang pangalan niya. Nakakamangha na kaya ko utong gawin kahit na isa lamang akong espirito. Ang mahalaga ay nabasa niya iyon at sana ay pumasok sa isip niya na ako ang may gawa no'n.


Naglaho na ako sa kinaroroonan ko at sunod naman akong pumunta sa iba ko pang kaibigan, ngunit lahat sila ay nasa kaniya-kaniyang klase. Mamaya pa sila matatapos. Nakakainip pala ng ganito, pa-lutang-lutang lang kung saan-saan. Ginamit ko na lang ang buong oras ko sa paglibot sa buong campus.


Pumunta ako sa front lawn nito at tinignan ang tanawin. Napakalaki nga nito, 'di mapagkakailang may sikretong tinatago ang paaralang ito. Diretso akong pumasok at tumagos sa main entrance nang may maramdaman akong parang may nakatingin sakin upang mapatigil ako bigla. Parang may kasama ako at hindi ako nag-iisa. Posible kayang may iba pang espirito maliban sa akin ang naninirahan sa paaralang ito? Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob na libutin pa nang mas maigi ang lahat ng sulok nito upang tignan kung sakaling mayroon pa ngang ibang naglalaging kaluluwa. 


Inumpisahan ko sa opisina ng head mistress. Animo'y isang silid-aklatan sa rami ng mga bookshelf na nakapaligid, puno ng mga records at mga album ng mga nagdaang batch dito bago kami. Sobrang tagal na nga siguro nitong paaralan at mas matanda pa siguro sa mga lolo't lola ko. Napaisip ako kung sino ang mga pinakaunang namahala at nag-aral dito. Masyadong maraming records, matatagalan ako bago ko pa mahanap ang pinaka-una. Ang tanong ko lang ay bakit nila naisip na ipatayo 'tong paaralan at bakit nanaisin ng mga tao na mag-aral dito lalo na't wala silang kahit anong background o kahit na simpleng impormasyon na alam kung ano man ang pwedeng mangyari at gawin sa kanila? Bakit ang dami pa rin ang pumili't nag-aral dito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Casia Sicarius (Life's Love And Murder)Where stories live. Discover now