CHAPTER THREE

44 27 0
                                    

Christine
"Magkakilala kayo?!", tanong ni Owen sa amin.


"Yes, bro. She's the one who's rushing and bumped into me this morning", sagot naman ni lalake.


"Pwede bang huwag mo ng paalala, nangyari na kaya hindi mo na kailangang paalala ng paalala, okay?!", sabi ko naman sa kaniya.


"Well, if that's what you want", sagot naman niya. "In one condition...", dagdag niya.


"What?", tanong ko.


"Kiss me on my cheeks, halikan mo ko sa cheeks", sagot niya. Ang bastos!


"Manyak!", sigaw ko sa kaniya at sinampal siya. "Tang*namo!"


"Ang arte mo naman! And ang sakit ah! Namumuro ka na!", sigaw niya.


"Buti nga sayo!", sigaw ko.


"Hey, hey, stop na guys, everyone's looking at you two", pagpipigil ni Owen sa aming dalawa.


"Gusto mong tumigil 'to, Owen? Paalisin mo iyang lalaking 'yan!", sagot ko kay Owen.


"Why me? I am his friend, ikaw ba, friend ka ba niya?", sabi na naman ni lalaki.


"Kaibigan niya rin ako, lalaki", sagot ko sa kaniya.


"And also, may pangalan ako, at hindi iyon lalaki!", sambit pa niya. Ano itatawag ko sa kanya eh hindi ko naman alam pangalan niya.


"Bahala ka na nga! Goodbye Owen! Babalikan ka na lang namin kapag wala na iyang kaibigan mong iyan", sabi ko kay Owen at umalis na kasama si Jacky.


"Ayoko pang umalis, Tin", sabi ni Jacky sa akin.


"Hindi, aalis na tayo, babalik na tayo sa room", sagot ko sa kaniya at nanahimik.


"Goodbye Owen!", bati ni Jacky kay Owen at nag-flying kiss pa.


Dahil ayaw naman ni Jacky na umalis ay kinaladkad ko na lang siya kahit pinagtitinginan kami ng lahat ng mga estudyante kung bakit hinihila ko siya. Sa wakas  din ay nakarating rin kami sa room namin, hinila ko siya papunta sa kama niya at naupo.


"Bestie, sumagot ka nga. Bakit nagmamadali kang umalis kanina, hindi ba pwedeng magbati na kayo ni gwapong poging lalaki? Kasi kanina pa kayong umaga nag-aaway eh, hindi ba kayo nagsasawa, kasi kung kaming dalawa ni Owen mag-aaway kami dahil sa babae, hahalikan ko lang siya sa cheeks then bati na kami", paliwanag ni Jacky.


"Nag-iimagine ka na naman bestie, pero kaya lang naman ako nagmamadali dahil ayaw kong mapahiya ka rin dahil sa akin", sagot ko.


"Yet you don't have to, Bestie. Okay lang sa akin basta kasama kita lagi", hindi pagsang-ayon ni Jacky.

Casia Sicarius (Life's Love And Murder)Kde žijí příběhy. Začni objevovat