CHAPTER ELEVEN

12 11 0
                                    

Eithan
Hindi ko inaasahang dito rin pala nag-aaral si Alexis. Sobrang tagal na noong kami pa. Nag-iba na siya, hindi na siya yung Alexis na naging girlfriend ko, dati ay sobrang lambing pa niya at mapagmahal ngunit kabaliktaran na ang nangyayari, naging maarte, masungit at selfish na.

"Anong iniisip mo diyan?", tanong ni Christine sa akin at sabay tingin pa ng dalawa sa akin.

"Ah, wala, huwag niyo na akong pansinin sige na tapusin niyo na 'yan", sagot ko sa kanila at hindi na ibinanggit si Alexis.

Nauna na akong lumabas at dumiretso na sa silid namin ni Owen upang makapag-isa. "Mauuna na ako", paalam ko sa kanila at pumayag rin sila pagkatapos.

Paglabas ko sakto ng café ay may biglang humila sa akin at dinala ako sa isang madilim na sulok.

"Sino ka?!", tanong ko sa naghila sa akin na nakasuot ng itim na hoodie. Itinaas niya ito at si Alexis pala. "Ano na naman bang kailangan mo sa akin?!", tanong ko sa kanya nang galit.

"Shhh", tunog na lumabas sa kanyang bibig at itinapat ang hintuturo sa labi ko. "I just want to make a favor", dagdag niya.

"And what is it?", walang emosyon kong tanong.

"I want you to be my boyfriend again", sagot niya na ikinagulat ko.

"What?! No! Matapos mo akong hiwalayan, ikaw pa 'ton may ganang makipagbalikan sa akin. Remember this, hindi na tayo magbabalikan at wala ng tiyansa na magbalikan pa tayo!", sagot ko sa kanya.

"Okay, but I will make sure na makakarating sa buong campus na, pinatay mo ang kaisa-isa mong kapatid", salita niya na ikinagalit ko.

"Stop it! Walang kinalaman o koneksiyon ang kapatid ko sa pinag-uusapan natin kaya huwag mo siyang isama sa binabalak mo!", sigaw ko sa kaniya. "At hindi ko siya pinatay!", dagdag ko.

"Well, hindi ba't hinayaan mo siyang kainin ng apoy? Hindi ba't iniwan mo lang siya doon? Wala kang ginawa para iligtas siya, so it means pinatay mo nga talaga siya", sambit niya.

Hindi ko na napigilan ang galit ko at biglaan ko na lang hinawakan ang dalawang balikat niya. "Hindi ko siya pinatay!", mangiyak-ngiyak at galit kong sigaw sa kanya. Inalis ko ang mga kamay ko sa mga balikat niya at naglakad na paalis.

"So, be my boyfriend or hahayaan mo na lang na kumalat ang balita?", tanong pa niya bago pa ulit ako umalis.

Pinuntahan ko ulit sina Christine sa café kung saan ko sila iniwan pero wala na sila roon. Bumalik na lang ako sa silid namin ni Owen at pag-isipan ang sinabi ni Alexis.

Nang makarating na ako sa palapag ng aming silid gamit ang hagdan ay saktong bumukas ang elevator at roon ay nasa loob silang tatlo at nakita akong nag-hagdan.

"Oh, nandiyan ka lang pala, bakit naghagdan ka at saan ka galing? Akala namin nasa kwarto ka na", tanong ni Owen sa akin.

"Ah, nagpahangin muna ako sa labas bago ako bumalik ng kwarto", sagot ko.

"Mahangin at malamig naman yung hangin kanina sa café ah", sambit niya.

"Uh, gusto ko sana fresh air", sagot ko.

"Hayaan niyo na, atleast nandito na si Eithan kaya huwag na tayong mamroblema, okay?", salita ni Jacky.

Napahinga ako nang malalim at nilapitan ko na sila. Nagpatuloy na kaming maglakad papunta sa mga silid namin upang makapag-pahinga na rin.

"Sino ba yung Alexis na yun at nilapitan ka kanina?", tanong ni Jacky sa akin.

"Uh, nakasama ko siya noon sa dati kong school noong highschool ako", sagot ko.

Casia Sicarius (Life's Love And Murder)Where stories live. Discover now