Simula

50 14 10
                                    

Villan

"Flare!" Iritadong tawag sa akin ni Kuya Rehan.

Nanatili lamang akong nakatingin sa mga bulaklak at pinitas ang mga ito, hindi ko binigyang pansin ang pagtawag niya sa akin. Dahil siguradong oras na para umuwi sa aming mansyon, at matatagalan pa bago ako makalabas ulit.

Bakit kaya kulay pula ang rosas? Bakit kulay lila ang aster? Inis kong tanong sa aking sarili. Bakit hindi nalang kulay dilaw? O di kaya ay kulay itim.

Natawa ako sa aking naisip

"Matagal pa ba yan? May lakad pa ako" inis na sabi ni kuya

Lumingon ako sakanya at sumimangot ulit at pinagpatuloy ang pamimitas ng mga bulaklak.

Kailangan ko ng sulitin ang araw na 'to.

Ganito ang karaniwang senaryo sa aking buhay. Limitado lamang at piling araw lang ako pwedeng lumabas.

Kahit labag sa loob ko, ay maingat ko na itinali ang mga pinitas kong bulaklak at nakasimangot na lumapit kay kuya.

"Masyado ka namang nagmamadali, kuya" nakasimangot na sabi ko sakanya habang naglalakad sa nakaparada niya na kotse.

"Magdidilim na, at paniguradong pagagalitan ka nanaman ni mama. Alam mo naman na ayaw nun na inaabot ka ng dilim sa pamamasyal" pinal na sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako at naglalambing na yumakap sakanya.

"Pasok na sa kotse" malambing niyang sabi sa akin at hinaplos pa ang aking buhok. Nakakatuwa naman, may tinatago pa palang tamis sa katawan itong kuya ko. Lihim akong napangiti sa kaniyang kinilos.

"Puwede ba akong sumama sa lakad niyo nila Kuya Ephrem??" Nagbabakasaling tanong ko habang tinatahak namin ang daan palabas sa taniman ng mga bulaklak.

"As much as I want na isama ka, hindi pwede. Lalaki kaming lahat na andoon and mom will surely go balistic if malalaman niya"

Pabiro niyang sabi

Napabuntong hininga na lang ako at malungkot na tinignan ang mga tanawin sa labas.

Ang ganda tignan ng mga halaman, bundok at mga palay na madadaanan dito sa bayan ng Asturias.  Kung ako ang papipiliin mas magandang manatili nalang na ganito ang aming bayan. Walang bahid ng kahit anong polusyon. At kung meron ay kakaunti lamang.

I smiled seeing kids running through our land. I wish that I could laugh like that. I wish I could run freely not minding the consequences of my action.

Malungkot kong binalingan ng tingin si kuya. Napansin niya ata ang paninitig ko sakanya, kaya nilingon niya ako.

"Hmmm, why baby?"

"I wanna go back to school  this year. I mean real school" mahina kong sabi sakanya.

"Dad already talked to Mom about this matter" nakangiting sabi niya. .

I just hope that mom will let me go to school this time. I'm already a teen, and I think I can handle myself already.

Nakasimangot kong niyakap ang mga pinitas kong bulaklak, at hinayaan nalang si kuya.

Mahinang natawa si kuya at tinutok nalang ang mata sa kalsada.

On my 14 years of existence, almost half of it was spend at home or hospitals. I am homeschooled. Malungkot mag isa. Walang kalaro. Bawal mapagod. I can't spend so much time playing outside because mom is always worried about it. At ayaw ko naman na lagi nalang siyang mag alala sa akin.

Minsan, hindi ko maiwasang mainggit sa ibang mga bata. I got the wealth and the name of Valderama thst some people here in Asturias envy about, but I feel jailed and locked up because of my condition.

His Glamorous DownfallWhere stories live. Discover now