Kabanata 14

15 0 0
                                    


"Tara na kasi Flare! Bat ayaw mong lumabas ng classroom. Last week na natin ngayon huwag mo ibabad ang sarili mo sa pagkakabisado ng script" pilit sa akin ni Kirsten habang hinila hila ako palabas ng classroom.

Kakatapos lang kasi ng rehearsal namin para sa play kaya nagmukmok ako dito sa classroom. Iniiwasan ko si Kaiden dahil baka nagtatampo pa iyon at hindi ko din alam kung anong explanation ang sasabihin ko dito.

"Sama ka na please. Magpapapicture lang tayo sa mga varsity na senior. College na sila next year. Ito na ang last chance ko" mahabang sabi ni Estella habang panay ang tingin sa corridor.

Gusto kasi niyang magpapicture sa captain ng basketball. She had a huge crush to kuya Tyler. Kaya naman gusto niya ng kunin ang chance na ito dahil next year ay college na ang long time crush niya.

"Sige na please, ikaw ang alas ko kay Tyler my loves" kinikilig niya pa na sabi.

"Ayoko, sa ibang araw nalang. Mamimili kami ni Mommy ng gagamitin ko para sa play eh" palusot ko sa kanya

Totoong may lakad kami ni Mommy ngayon pero hindi naman iyon ang dahilan para tumanggi ako. Sadyang ayaw ko lang makita si Kaiden. Dahil di ko alam kung ano ba ang dapat sabihin sa kanya.

Matapos kasi ang mensahe niya na iyon ay di na ako halos makatulog. What should I explain on him? Atsaka nagseselos ba siya? Iyon ang nagpabagabag sa akin.

"Flare, ngayon lang. Sandali lang tayo. Please" halos magmakaawa na sabi niya kaya napailing ako.

"Kung gusto mo Estella, ako nalang ang sasama" nakangiting presinta ni Hallie na agad naman nginiwian ni Estella.

"Hay nako Hallie, di ka makabasag pinggan. Di bagay sayo ang magpunta don. Baka madaganan lang tayo at pareho tayong mahinhin" sabi ni Estella sabay lapag ng hairbrush niya.

"Si Hallie lang ang mahinhin, di ka kasama" pabirong sabi ni Nova

Akala ko ay titigilan na ako ni Estella pero nagpatuloy pa siya.

"Saglit lang tayo. Sisilip lang at magpapapicture"

Napabuntong hininga lang ako.

"Saglit lang tayo ha" kinakabahan na sabi ko dahil may tyansa na makakasalubong ko si Kaiden na iniiwasan ko buong araw.

Kasama ko sina Estella na nagpunta sa gym upang puntahan si Kuya Tyler na ngayon ay varsity player na.

Pagdating sa gym ay mukhang malapit ng matapos ang practice. Hindi lang basketball players ng school ang nandoon. Mukhang nagkatuwaan ata sila maglaro ng basketball dahil pati ang football team ay nandoon sa court at nakikipagpasahan ng bola. Madami ang nanunuod sa kanila kaya naman ay confident ako na di ako makikita ni Kaiden.

Sa buong oras ng laro ay nakatutok lang ang mata ko kay Kaiden. Kumpara sa karaniwan niyang playful na aura, ngayon ay seryosong seryoso siya habang dala ang bola at drini-dribble.

Kahit pawisan ay mukha pa din siyang mabango at hindi haggard tignan. Nakasuot siya ng red na jersey na may nakasulat na Villan at number 8 sa likod.

He looks hot on that outfit

Natapos ang game at agad naman akong hinila ni Estella papunta sa pwesto ni kuya Tyler sa bench.

"Uh, kuya" hindi ko alam kung pano siya iaapproach dahil andoon ang iba niya na teammates.

"Flare!" akmang yayakap siya sa akin pero napalitan ng tawa nang makita niyang napangiwi ako sa hitsura niya.

"Ang arte" sabi niya

"This is Estella, my friend. Estella, my cousin. Kuya Tyler" pormal na pakilala ko. Diniretso ko na dahil naramdaman ko ang tingin ni Kaiden sa akin at gusto ko ng umalis doon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Glamorous DownfallWhere stories live. Discover now