Kabanata 11

22 3 2
                                    

"Kirsten, balitaan mo nalang ako sa sasabihin ni Ma'am sa homeroom ah, may lakad kasi ako" pagpapaalam ko sa kaniya ng matapos ang last subject namin.

Abala ako sa pag-aayos ng gamit at pagtingin sa sarili sa salamin

"Pangalawang beses na yan ah! Kasama mo si Kaiden?" sabi ni Kirsten na halatang nang-aasar lang.

Inignora ko nalang ang mga pasaring niya at nagpatuloy sa pag aayos

"Baka naman excuse mo lang yan para makasama ang crush mo!" gatong pa ni Nova sa naging pang aasar ni Kirsten

Napataww nalang ako sa mga naiisip nila.

"Sasamahan niya lang ako sa bahay nila Lolo. Doon kasi muna nag stay si Mommy"

3 weeks have passed at hanggang ngayon ay nandoon pa din si Mommy sa dating bahay nila Lolo. At halos 3 weeks na din na lagi akong sumasabay pag uwi kay Kaiden dahil kasa-kasama ko siya sa pagpunta kay Mommy.

"Hay nako! Sige, sasabihin ko nalang kay Maam na nasa clinic ka" sabi ni Kirsten at bahagya pa akong tinulak paalis ng upuan.

Nakahinga naman ako ng maluwag at agad na lumabas ng classroom, sa corridor ay nakita ko si Kaiden na mukhang galing lang din sa klase niya.

Bahagyang nakabukas ang dalawang butones ng kaniyang polo at nakasukbit ang bag sa kaniyang likod, magulo din ang medyo maalon niyang buhok dahil sa lakas ng hangin

From where I am standing right now, I am amazed how his prescence match the setting sun. 

"Tara na!" agaw pansin niya sa akin sabay hatak ng kamay ko habang tinatakbo ang daan papunta ng parking lot. Bahagya pa akong natawa dahil mas excited pa ata siya keysa sa akin.

Hindi alam ni Mommy na si Kaiden ang kasakasama ko sa tuwing dadalaw sakanya dahil paniguradong aayawan niya ito. 

"Sigurado ka ba na wala kang klase ngayong hapon?" takhang tanong ko sakanya dahil paniguradong may subject pa sila ngayong hapon kumpara sa amin na homeroom nalang at pwedeng lumiban.

"Free ako, huwag nang madaming tanong" simangot niya naman at agad akong pinaupo sa loob ng tricycle na lagi naming nirerentahan papunta sa Mansyon ng mga Lopez.

I am really thankful to Kaiden for doing this thing for me.

Hinahangin ang aking mahabang buhok sa tuwing humahampas ang hangin kaya naman laking gulat ko ng itali iyon ni Kaiden gamit ang aking scrunchie. 

"Nakakain ko ang buhok mo" biro niya sa akin habang bahagyang nakayuko, dahil halos mauntog na siya sa tangkad niya. The seat of the tricycle looks small on him.

Mayamaya lang ay nakarating na din kami sa Mansyon ng mga Lopez. "Sa labas ulit ako maghihintay ah"

Sabi ni Kaiden sabay abot ng bananacue doon kay Manong na nagmamaneho.

I just smiled at him na agad namang ikinapula ng pisngi niya

I chuckled on his reaction

"Osige, magtetext ako pag aalis na din." 

Tumango lang ito at nagpatuloy na sa pagkain ng kaniyang meryenda.

I really admire how humble he is even of the status he have as a Villan. Kumpara sa akin, ay mas outgoing siya at mas pala-kaibigan.

I sighed after realizing na andito nanaman ako para kumbinsihin si Mommy na umuwi.

"Hey, Mom" bati ko sakanya pagpasok sa kusina habang naghahanda siya ng meryenda.

"Sabi ko naman sayo, hindi mo kailangang magpunta dito araw araw" panenermon niya ulit habang nakangiti dahil alam ko sa loob loob niya gusto niya talagang dumadalaw ako dito

His Glamorous DownfallWhere stories live. Discover now