Kabanata 9

14 3 0
                                    

Dahil sa pagod sa pag iyak ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako sa mga katok mula sa pinto

"Baby? Gising ka na?" tawag ni Daddy sa akin

I seriously don't know how to face him, matapos makita ang away nila Mommy kagabi.

Hindi ko man maintindihan ang puno't dulo ng naging away nila ay may ideya na ako kung bakit sila nagtalo, pero kahit sa sarili ko ay ayaw kong aminin iyon.

Nanatili akong nakahiga at di iniimik ang pagkatok sa akin ni Daddy.

Dali dali akong pumikit ng marinig ang tunog ng susi.

"I'll just talk to her" rinig kong sabi niya sa kung sinuman

Naramdaman ko ang pag upo ni Daddy sa kama.

Nagkunwari naman akong tulog dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin dito.

Ilang minuto pa ako naghintay pero nanatili lang itong tahimik habang sinusuklay ang buhok ko.

Narinig ko ang buntong hininga niya.

"You exactly looked like her" rinig kong sabi niya.

Humigpit ang hawak ko sa kumot dahil sa narinig.

Pinipigilan ang sarili na huwag maiyak.

Mayamaya lang ay naramdaman ko ang paghalik niya sa sintido ko. And he quietly leave. At halos gabi na lagi umuwi.

Ganon ang naging routine ni Daddy sa sumunod pang mga araw.

Paggising ko matapos ang argumento nila ay nabalitaan ko na doon muna nag stay sa bahay ng mga Lopezes si Mommy. I'm sad about her decision pero pinili ko nalang na maging okay dahil alam ko na kailangan yon ni Mommy.

3 days have passed and I didn't hear anything about my Mom and Dad. Iyon ang nakakainis.

Si kuya ay nagkukulong sa kwarto minsan ay umaalis pero di ko naman alam kung saan magpupunta.

Mag isa akong naglalakad sa corridor. Kuya decided na sa hapon nalang siya um-attend ng class. Pati kami ni kuya ay hindi na napag-usapan ang nasaksihan na away nila Mommy at Daddy.

"Masama sa umaga ang nakasimangot" bulong ni Kaiden na di ko namalayan na nasa tabi ko na pala.

Masama ko siyang tinignan at dirediretso lang na lumakad

"Pati ba naman dito di mo ko papansinin?" tunog playboy na sabi niya.

"I'm not in the mood to be playful, Kaiden" pagod na sabi ko dahil hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip ko ang naging away nila Mommy at Daddy.

Napansin niya siguro na wala nga ako sa wisyo kaya hinarang niya ako, at agad na pumunta sa harap. Napatigil tuloy ako sa paglalakad sa corridor.

May ilang estudyante na napatingin sa amin

Pilit niya akong tinignan na hanggang ngayon ang tingin ay nasa mga sapatos pa din.

"May problema ba?"

Itinaas ko ang tingin at agad na sumalubong sa akin ang kaniyang tsokolate na mata na punong puno ng pag-aalala.

Iniwas ko ang aking tingin at pilit na dumaan kahit nakaharang siya.

"Hey, is it about your Friends? o baka naman dahil sa akin ha?" pangungulit niya habang patuloy ang pagbuntot sa akin.

"It doesn't concern you Villan, so please stop pestering me. Wala ako sa mood"

"Bad mood ang ma'am ko!" sabi niya at inakbayan pa ako.

Pansin ko lang, mas napapadalas ata ang pagtambay niya dito!

His Glamorous DownfallWhere stories live. Discover now