Kabanata 7

21 5 2
                                    

I was nervous habang nirerehearse ang sasabihin na pagpapaalam kay Mommy.

Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa sobrang kaba. 

Kahit na aware si kuya tungkol sa pagbisita ko doon ay di pa din ako sigurado kung hahayaan nga ako ni Mommy na bumisita sa mga Villan.

I texted Hallie na sasabay nalang ako kay Kirsten kung sakaling maisipan ko na magsinungaling nalang dahil alam kong di ako papayagan.

Maybe I can use school works as an excuse

Pampalubag loob na sabi ko sa aking sarili

I really want to go. I sighed as I continue packing my things 

Naramdaman ko naman na nag vibrate ang cellphone ko, pagtingin ay bumungad sa akin ang mensahe ni Kirsten.

kirsteniris: wer na u sis?

Agad naman akong kinabahan dahil ang aga niya kumpara sa napagkasunduan namin na oras.

kisteniris: pwede ba pumasok diyan? susulyap lang 👀

Magkasunod ang mensahe na iyon.

Mariin akong napapikit dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pagpapaalam na gagawin.

I breath in and out para mapakalma ang aking sarili.

Hindi ko nireplyan si Kirsten dahil kahit ako ay hindi ko alam ang gagawin.

"Flare, ang bisita mo pinapasok na ni Madam. Bumaba ka na daw" nagmamadaling sabi sa akin ni Manang.

Nang dahil doon ay mas lalo akong kinabahan. Sana ay di mabanggit ni Kirsten kay Mommy kung saan ang lakad namin.

Iyon ang paulit-ulit kong binubulong sa aking sarili habang pababa ng hagdan.

"That's great! Natutuwa ako na kahit papano ay nagkaroon ng kaibigan ang bunso ko" iyon ang bumungad sa akin ng makarating ako sa sala.

Kirsten is wearing a dress gaya ko. Kumpara sa suot ko, ay sleeveless ang sakanya.

"Andito ka na pala Flare, bat mo naman pinaghintay sa gate itong si Kirsten! Kung di ko pa nakita ay baka nangalay na ito kakatayo doon sa labas" pangaral sa akin ni Mommy.

I glared at Kirsten na nakangisi lang sa akin.

"Oh siyaa! Magpunta na kayo sa lakad niyo para maaga ka din makauwi" nakangiting sabi ni Mommy habang marahang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri.

"Nasa labas na si Kuya kanina pa naghihintay" pahabol ni Mommy.

I hugged her at nagpaalam na.

Pinanuod niya lang ako at tinanaw kami ni Kirsten na naglalakad papuntang garahe.

"Grabe, di ko inexpect na mukhang teenager pa din si Tita Audrey despite of her age" manghang sabi niya.

"Kamukha mo" sabi niya sabay siko sa akin.

Dahil sa pagsiko ay bigla kong naalala ang pagpunta niya ng mas maaga keysa sa napagkasunduang oras.

"Kinabahan ako nung nalaman na dadating ka. Anong sinabi mo kay Mommy?" takhang tanong ko. Dahil wala nang naging pagtatanong na nangyari kanina nung paalis na kami.

"Sinabi ko na icecelebrate natin ang Birthday ni Hallie, hindi naman siya nagtanong kung sino yon kaya di ko na dinugtungan. Sinabi ko nalang na kaibigan" simpleng sabi niya.

"At nung tinanong ka kung saan?" 

"Sinabi ko na sa bahay nila Hallie gaganapin. Huwag kang mag-alala di ako naglapag ng exact address, para safe" sabi niya sa akin siguro dahil naramdaman niya din na kinakabahan ako.

His Glamorous Downfallजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें