Kabanata 4

21 8 0
                                    

"I heard from the school staff na maga-audition ka daw para sa cheerleading squad ng university?" Biglang sabi ni Lolo sa hapag habang kami ay naghahapunan.

Nakaramdam ako ng kaba sa naging tono nang pagtatanong ni Abuelo.

Napagpasyahan nila Mommy na magkaroon ng intimate dinner kasama sila Abuela. Kaya naman ay kompleto kami sa hapag ngayong gabi.

"Opo Abuelo. I think it is a good kind of club naman po kaya naman naisipan ko na mag audition"

Pilit ko na nilabanan ang pagpiyok dahil ramdam ko na sasabog na talaga ang dibdib ko sa kaba.

"Cheerleading huh? Why don't you try other organizations. Like the clubs that involve helping the community, or the student council. Cheerleading is too bold for you"

Simula pa lang ay alam ko na magkakaroon ng ganitong komento si Abuelo.

"But she love dancing Abuelo, let her be." Sabat naman ni kuya Rehan.

Nakita ko naman na hinawakan ni Mommy ang mga kamay ni Kuya para pigilan ito sa pagsasalita.

"Okay, ikaw ang masusunod iha. Siguraduhin mo lang na hindi magbubunga ng distraction sayo 'yang pinili mo."

Tahimik ang lahat at wala ni-isa ang nagsalita.

"Just let my daughter do what she love, papa. I trust my daughter with this."

Bumuntong hininga naman si Lolo sa sinabi ni Daddy at tumayo na, kahit hindi pa siya tapos sa pagkain.

"Okay, do whatever you want iha. Just don't disappoint me"

Doon na natapos ang hapunan namin.

I always have this idea in my mind that Abuelo only wants the best for me. Pero minsan ay hindi ko maiwasan na isipin na ginagawa niya lang ito para sa kapakanan niya, ng pamilya. He didn't care for me at all. He is just worried about the family reputation I might ruin on my actions.

KINABUKASAN ay maaga akong gumising para makapaghanda sa audition.

I admit that I'm kinda nervous today, dahil sa naging trato sa akin ng senior na nasa registration. Pero ang totoo ay mas kabado ako dahil may tsansa na manuod si Kaiden ng Audition.

I don't want to be distracted by his presence.

"Hey, Flare. We're leaving in 10 minutes" pagpapaala sa akin ni Kuya.

"Wait, i'm getting ready" napagdesisyunan ko nalang na suotin ang damit na sinabi sa amin para sa audition.

I dressed up myself with a sweatpants and a fitted white top. Pinatungan ko nalang ito ng jacket para kahit papano ay hindi plain tignan.

I received a message from Nova, kanina pa pala sila naghihintay sa court, kung saan napagdesisyunan na doon ganapin ang audition.

I am nervous but the good thing is that my friends are there.

Dali-dali kong itinali ng ponytail ang aking buhok at bumaba na. Nakasalubong ko si Mommy na nasa sala at para bang hinhintay ako.

"Mom, aalis na kami ni Kuya" I said and kissed her on the cheeks.

"Take care anak, do your best okay? Wag mo nang isipin ang mga sinabi ng Abuelo mo" Sabi niya habang marahan na hinahaplos ang mga kamay ko.

This gesture of my mom is what she always do, whenever she's nervous for me and to others.

"Kalma Mommy. I promise to do my best for this one" Nginitian ko nalang si Mommy para mabawasan ang kaba niya.

"Kung pwede lang, ay pupunta talaga ako at manunuod" Malungkot na sabi niya.

His Glamorous DownfallWhere stories live. Discover now