Kabanata 2

26 11 8
                                    

Lopez is my mom's surname. It is one of the most powerful family here in Cebu.

Kaya naman ang pagkakasundo ng Valderama at Lopez ay naging usap usapan noon.

Mas gusto ko pa nga ang manatili sa puder ng mga Lopez, kesa dito sa mga Valderama. Dahil doon, mas tahimik, walang bawal, at walang pressure. But I can't, because my life revolves here.

"Flare! Bumaba ka na diyan, andito na ang mga pinsan mo"

Ang bulabog na katok at sigaw ni Mildred ang nagpataranta sa akin. Kaya naman dali dali akong nagsuklay at di na nag abala pa na magpalit ng damit.

I excitedly open the door

"Kumpleto na ba sila?"

Napangiwi naman si Mildred nang makita ang ayos ko.

"Sigurado ka na ba na ganyan ang suot mo pagbaba? Mukhang may balak magpunta ang mga senyorito sa bayan"

Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa sinabi niya. Inirapan ko nalang ang sinabi niya at patakbong bumaba papunta sa sala.

I don't feel like dressing up today.

Napalingon sakin si Kuya Ephrem at agad na binuka ang kaniyang mga braso na para bang wine-welcome ako.

Napatawa ako sa ginawa niya, pero tumakbo pa din ako sakanya at niyakap siya.

He is my favorite cousin after all

"Ang laki na ng baby namin" dramatic na sabi niya

Pigil naman na napatawa si Kuya Tyler at ginulo ang aking buhok.

Napanguso ako sa ginawa niya at niyakap din siya.

Nakita ko naman sila Kuya Axton at Theodore na papasok ng bahay kasama si Kuya Rehan na walang pang-itaas at maputik ang mga suot na tsinelas.

Di ko maiwasan na mapangiwi sa itsura nila.

"Nako, ang arte na ng dalaga natin" pang-aasar pa ni Kuya Axton.

Pinagmasdan ko naman si Kuya Theodore na mukhang kakarating pa lang ata galing Manila ay inaya na nila Kuya sa palayan.

Hindi ko maiwasan na mailang sakanya dahil mukha siyang istrikto.

Napasimangot ako sa kanila at napagtanto na bihis na bihis ang dalawa kumpara sa tatlong galing pa sa init.

"I'm gonna go upstair, and change." Maiksing sabi ni Kuya Theodore at umakyat na.

Siya ang panganay sa aming magpipinsan at siya din ang pinaka mature kung mag isip

Sumunod sila Kuya Rehan at Axton para din magpalit ng damit

"Pupunta tayo ng bayan baby, ganyan na talaga suot mo?" Kunot noo na tanong ni Kuya Ephrem habang ngumunguya ng saging

"Dude para kang matsing"

Pang aasar ni Kuya Tyler.

Binato naman ni Kuya Ephrem ng balat ng saging si Kuya Tyler at pinakita sa kaniya ang middle finger nito.

Nabigla ako sa ginawa ni Kuya Ephrem na kinalaki ng mata ko.

Napatawa naman sila sa naging reaksyon ko.

"Nakalimutan mo ata, na may bata tayo na kasama dito"

Siniko ko naman ng pabiro ang dibdib ni Kuya Tyler

Pagkatapos ng ilang minuto na paghihintay ay agad kaming sumakay sa dalang black jeep wrangler ni Kuya Theodore.

Naisipan nilang dalawin si Abuelo sa Munisipyo kaso pagdating namin doon ay tila abala ang mga tao kaya naman ay pinagliban muna namin.

His Glamorous DownfallWhere stories live. Discover now