Kabanata 6

25 9 0
                                    

Halos hindi ko magawang magsalita habang kasama ko si Kaiden sa parking lot. Bukod sa naiilang ay hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin sakanya.

Should I thank him?

"Ah, nga pala. Hallie asked me to check on you kaya naman ay doon ako nagtambay sa labas ng gym" Sabi niya sa akin.

"Baka lang kasi isipin mo na hinihintay kita" Nang-aasar niya na sabi.

Bakit ko naman iisipin 'yon?

I really hate him noong una palang, at sa tingin ko first impression really last long dahil hanggang ngayon ay inis pa din ako sakanya.

Hindi ko siya pinansin at kinuha ko nalang ang cellphone ko para tawagan si Manong.

Nakita ko naman na nakisilip siya sa ginagawa kong pagtype sa cellphone.

Inis ko siyang nilingon at inirapan.

"Sungit naman, nag mamagandang loob lang naman ako"

"Hindi mo naman ako kailangang samahan dahil lang sa sinabi ni Hallie na samahan mo ako"

Gigil na sabi ko nalang din

"Sinamahan kita kasi gusto ko."

This playboy really knows how to use his sweet words well.

"If you are just here to annoy me pwede mo na akong iwan."

"Sorry to disappoint you miss, but I'm not here to annoy you. So now, pwede na ba ako mag-stay?"

Pagpapaawa niya.

Lihim naman akong napangiwi sa itsura niya dahil hindi bagay sakanya.

Tumango nalang ako at hinayaan siyang samahan ako hanggang sa pagdating ni Manong.

Feeling close ang isang 'to!

"Hindi mo ba talaga sasabihin sa Kuya mo ang nangyari?"

Sabi niya habang sinisipa ang maliliit na bato sa pwesto namin.

"Hindi na kailangan, no harm done naman"

Lumingon siya sa akin at kita ko ang di niya pag sang ayon sa sinabi ko.

"Anong no harm done? They are harassing you! Baka umulit pa ang mga 'yon pag di ka nagsabi"

"Palampasin ko nalang muna at pag umulit ay doon na ako magsasabi kila Mommy."

Sabi ko nalang para hindi na humaba ang usapan.

"Dapat lang!" pagsegunda niya pa.

Parang may dumaan namang anghel sa pagitan namin dahil di na ako nagsalita pa.

Di ako mapakali.

"Hmm, wala ka bang gagawin? I can manage naman hinihintay ko nalang si Manong." Pasimpleng pagtataboy ko sakanya.

"Ayos lang, balak ko na din naman umuwi pagkatapos nito." Sabi niya.

Nag-aalala ako na baka may makakita sa amin, pero buti nalang ay wala masyadong tao ng mga oras na 'yon.

Di nagtagal ay dumating na din si Manong.

Mukhang nabigla ata siya ng makita kung sino ang kasama ko dahil kita ko kung paano siya natigilan pagkatapos buksan ang pinto ng backseat

"Mauuna na ako" masungit na sabi ko at kinuha mula sakanya ang bag ko.

"Okay, your welcome!"

Nakangising sabi niya sa akin habang kumakaway.

His Glamorous DownfallWhere stories live. Discover now