Kabanata 5

23 8 0
                                    

Matapos marinig ang naging pagtatalo ni Daddy at Abuelo nang gabing iyon ay hindi na ako bumaba pa. Hindi na din ako nakasabay sa dinner dahil mas pinili ko na lang ang matulog.

Ang ideya na nalulugi na ang farm business namin na sinimulan noon sa panahon pa ni Abuelo, ay naging laman ng isip ko hanggang sa pagtulog.

At ang mas nakakapagtaka pa dito ay sa mga Villan humingi ng tulong si Daddy, gayon na alam niyang may isyu sa pagitan ng dalawang pamilya.

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagsusulat sa bench na nakapwesto sa quadrangle na karaniwang tinatambayan ng ibang grade level. Lunch break namin ngayon at wala sila Estella para sabayan ako dahil busy  sa kanilang sinalihang organizations at club.

Agad namang pinisil ni Rogue ang ilong ko ng marinig niya ang buntong hininga ko.

Siya muna ang kasama ko ngayon dahil mukhang wala daw siyang choice.

"Problema mo?" Tanong niya sakin at sinilip ako.

Nakadukdok kasi ang ulo niya sa mesa dahil gusto niyang umidlip. Wala ata silang practice ngayong hapon.

"Wala lang, wala na kasi akong maisip na pwedeng sulatin dito sa essay ko" pagpapalusot ko nalang.

"I already told you, not to do that whenever we are together. Feeling ko tuloy ayaw mo ako kasama" sabi niya na may kasama pang paghawak sa dibdib niya na parang nasasaktan talaga.

Rogue at first is very cold towards me. Pero nung naglaon at madalas kaming magsama ay mayroon pala itong playful side na nakatago.

Sinimangutan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagsusulat.

Kaonti lang ang nakatambay sa quadrangle dahil ang iba ay may klase at ang iba naman ay nasa canteen o di kaya ay nanunuod ng practice games ng mga varsity players.

Nahinto naman ako sa pagsusulat ng may humintong anino sa harap ko. Inangat ko ang tingin ko at halos atakehin ako sa puso ng makita si Kaiden.

He is currently on his 10th grade gaya ni kuya, kaya naman ay nakakagulat na andito siya sa building ng mga grade 8 at 9.

"May kailangan ka?" Matapang na tanong ko dito.

Napaangat naman ng kaniyang ulo si Rogue na mukhang naramdaman din ang presensya ni Kaiden.

"Napadaan lang, pinapahanap kasi sakin si Rogue ni Coach." He smirked at me.

Inirapan ko lang ito at ako na ang naglagay ng mga gamit ni Rogue sa bag na nakakalat para sumama na kay Kaiden.

"Hindi ako sasama" sabi lang ni Rogue at inagaw sa akin ang mga gamit niya.

"Pero hinahanap ka na daw, atsaka sumama ka na para makaalis na din ang isang 'yan" bulong ko dito.

Tinignan naman ng masama ni Rogue si Kaiden na kanina pa naghihintay.

Hangga't maari ay ayaw kong makabangga si Kaiden sa school. Okay na si Hallie.

Hindi ko alam na close pala sila. Siguro dahil nasa iisang team lang ay naging malapit din.

Napipilitan naman na tumayo si Rogue at sinukbit ang bag nito.

"Di muna kita masasabayan mamaya" bulong nito at nauna ng umalis habang di pinapansin si Kaiden.

So rude.

Dahil wala naman na akong gagawin ay iniwan ko na si Kaiden doon. Inaasahan ko na di na siya susunod pa, pero nagkamali ako.

"Sinusundan mo ba ako?" Mataray na sabi ko dito.

His Glamorous DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon