"Hmm sige. Maupo ka na lang muna, hintayin mo ako dito at may kukunin lang ako sa taas"




Napatango na lang ako sa kanya at palinga lingang naupo sa napakalapad na couch.



Grabe talagang laki ng bahay na ito. Hindi kaya pinamahayan na ng multo ang bahay na ito dahil laging walang tao?


Wala sa sariling napalunok na lang ako.
Pero napawi din naman agad ang nararamdaman ko ng magawi ang mata ko sa napakalaki niyang portrait.




Fuck.
Ang ganda niya talaga- ay hindi lang pala maganda dahil nuknukan ng ganda.




Shit mas lalo ko tuloy siyang namiss.

Hayy Ae. Umuwi ka na dito please...
Nang makita at mayakap na kita.



"Miss na miss mo na siya no?" Napalingon naman ako sa kanya at malungkot siyang tunanguan.


"Sobra po" at napayuko na lang ako.

"Hindi pa ako nakakahingi ng paumanhin sa sinabi ko sa iyo noon pero binabawi ko na yun. Babalik siya. Babalikan ka niya. Magtiwala ka lang at ito nga pala... ikaw muna ang humawak ng mga ito habang wala pa siya" napatingin naman ako sa maliit na kahong inaabot niya sa akin.

Inabot ko rin naman at binuksan pero nagulat ako sa laman.

Isang maliit na notepad at sang katerbang susi.

"Ano po ito? I mean para saan ito?" Tanong ko.


"Nakasulat sa pad na yan ang mga passcode ng mansion at ng penthouse niya. Yang mga susi naman ay ang mga duplicate para sa lahat mga kwarto dito at iba pa niyang ari arian" huh?


"Pero bakit sa akin iiwan? Hindi ba't ate ka niya?"



"Hindi ko pa yan masasagot sa ngayon Harry but please ikaw muna ang magtago ng mga yan para sa akin" hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa akin niya iniiwan ang lahat ng ito.


Pero bago kami nagkahiwalay ng gabing yun ay sinabi niyang. Naiinggit ako sayo dahil pwede mo pang ayusin yung sa inyo pero itong sa amin, imposible na.



Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero ang nasisiguro ko lang ay maaaring may nagawa rin siyang hindi maganda sa kapatid niya.












...












Raven's POV







"Uhm what is happening here uncle?" Tanong ko sa kanya, nadatnan kong nagmamando siya sa mga tao niya.


Para bang may pinaghahandaan silang kung ano.



"We're preparing for your special night my dear" sagot niya habang tuloy parin sa ginagawa niya.



"The night of your accession to the crown" masayang dagdag niya pa.



Damn.
Not again.


"Uncle, can we talk in private?" I asked him.

May inutos lang siya sandali sa kanila pagkatapos ay nauna ng naglakad papunta sa opisina niya, tahimik na sumunod lang din ako.



I have to tell him that this isn't what I intended to do.



"Is there any problem my dear?" Agad niyang tanong.




THE COLD ONES BOOK 1; Awaken (COMPLETED) [to be revised in English]Where stories live. Discover now